True Love

750 53 5
                                    

CARLO'S POV

"Ayokong mag sayang ng oras sa inyo." masungit na sagot ni Sidney bago niya kami talikuran

"Teka sandali." pigil ko kay Sidney. Huminto naman siya

"Mahal mo ba talaga si Kylle?" tanong ko

"Hindi kita kailangang sagutin."

"Sidney alam mo ba talaga ang kahulugan ng pagmamahal? Marunong ka ba talagang magmahal?" hindi pa rin siya humaharap sa amin

"Mahal na mahal yung taong mahal naman ng mahal mo." pag amin ko

"Mahal na mahal ko si Isabelle." humarap sa amin si Sidney pero nanatiling tahimik"Mahal ko siya pero nandito ako ngayon sa harap mo. Gumagawa ng paraan. Para mapasaya yung taong mahal ko."

Nagsimulang mamuo ang luha sa mga mata ni Sidney. Ang galit niya ay napalitan ng lungkot

"Masaya ka ba Sidney? Masaya ka ba sa mga ginagawa mo? Sa mga nangyayari sayo?" seryosong tanong ko

"Tumigil ka." pag awat ni Sidney

"Naisip mo ba? Kung marunong ka ba talagang magmahal?"

"Fine." sagot ni Sidney bago bumuntong hininga "Kasama niya ang mommy niya. Nasa office sila sa harap ng studio at hindi siya pinapayagang makaalis. Ngayon pwede ba umalis na kayo?"

"Salamat Sidney." sagot ko

Hindi na sumagot si Sidney tuloy tuloy lang siyang pumasok sa loob.
Bumalik naman kami ni Luke sa sasakyan para ituloy ang paghahanap kay Kylle

"Bro okay ka lang?" tanong ni Luke

"Okay lang." sagot ko

"Pero ang galing mo kanina ha." biro ni Luke kaya naman hindi ko sinasadyang nabatukan ko siya

Natawa na lang kaming dalawa

Malapit na kami sa opisinang sinasabi ni Sidney ng maipit kami sa traffic.

"Grabe bakit naman ngayon pa." si Luke

"Kuya kuya." tawag ko sa lalaking nag titinda ng sigarilyo sa daan

"Bakit ho?"

"Bakit ang traffic?"

"May banggaan daw Sir."

"Ah ganun ba? Salamat kuya."

"Mukhang matatagalan pa to. Tatakbuhin ko na lang." sabi ko

"Sigurado ka?" tanong ni Luke

"Oo kita na lang tanong dun."

Pag dating ko sa opisina ay sinabi sakin ng mabait na guard na kakaalis lang ni Kylle at pinipigilan nga raw ito ng mommy niya.

❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤

AUTHOR'S NOTE

GOOD NEWS:
HINDI KO KAYO IIWAN. 😂
Im working on a new MAYWARD story. Announce ko na lang pag na publish na.

Kaya siguraduhin pong sana na naka follow po kayo para po updated din kayo. ❤

Todo comment po talaga yung iba! ❤ sana support niyo rin yung next story natin. ❤

Maid For Each Other (Mayward inspired story)Where stories live. Discover now