ANGEL???

753 60 6
                                    

.KYLLE'S POV

"So bro. Saan ba yun?" tanong ni Luke

Sa totoo lang gusto ko ang personality ni Luke. Jolly and easy go lucky. Masayang kasama.

Masaya ko na dumating siya sa buhay ni Isabelle.

"Sa timog. Mabuti pa isang sasakyan na lang tayo." sagot ko

"Sigurado ka bro?"

"Oo naman. BRO." sagot ko habang ginagaya ang accent niya. Natawa kaming dalawa

Pag dating namin sa set
Binihisan na ko at inayusan.

"Bro. Okay ka lang ba diyan? Malapit na kong sumalang." Tanong ko kay Luke

"Okay sa alright bro! Ang swerte mo. Ang daming chix dito." sagot ni Luke "pero bawal ka ng mang chix. Susumbong kita kay Isay."

"Never." sagot ko

"Good. Good!"

Maya maya.
Nakita ko na si Sidney.

Lumapit siya sakin at nag beso.

"Hi sweety! Namiss kita." si Sidney. Hindi naman ako sumagot

"Ilang araw ka ng hinahanap ng mommy mo. Hindi ka daw niya ma contact."

"Hindi naman na siguro kailangan dahil ginagawa ko pa rin naman yung gusto niya."

"Are you okay?" tanong ni Sidney

"Oo naman. Ngayon lang ako naging okay ng ganito." may kahulugang sagot ko sa kanya

"Is there's something you wanna say?"
taas ang kilay na tanong ni Sidney ng bigla kaming tawagin ng photographer

Pagkatapos ng pictorial ay agad akong lumapit kay Luke

"Sorry bro medyo natagalan."

"Okay lang ano ka ba. Ang astig nga eh"

"Wanna try?"

"Alin? Pictorial? Ako?"

"Yeah why not?"

"Shy type yung kagwapuhan ko bro eh."

"Really???"

"Oo. Pero bro, si Sidney yung partner mo diba?" tanong ni Luke na kanina pa pala sinusundan ng tingin si Sidney

"Yeah"

"Grabe bro. Mas maganda pala talaga siya sa personal."

"I dont think so."

"Bro alam ko pinsan ko lang ang maganda para sayo. Wag kang cheesy masyado mabuti pa pakilala mo na lang ako."

"Are you sure?"

"Oo naman bro."

"She doesnt have any idea about me and Isabelle okay?"

"Bakit? Wag mong sabihin sakingg...."

"Ofcourse not! Mali yang iniisip mo bro."

"Good! Edi pakilala mo na ko?"

"Fine. Alam ko namang hindi mo ko titigilan."

"Yessss! Nice bro!"

"But wait bro. Im warning you. Sidney is not a human."

"I know bro. I know. She's an angel. My Angel." sagot ni Luke na naging dahil para masamid ako

Kabaliktaran yan bro
Sa isip isip ko

"I dont think so." bulong ko

"Bro. Siya na yata ang anghel na pinababa ng langit para sakin."

Baka pinalayas kamo sa langit

"My God Bro." speechless na sagot ko

"Ayan na siya Bro. Palapit na. Yan na." natatarantang sabi ni Luke

"Hi sweety. Lets grab some coffee naman after this." aya sakin ni Sidney

"Sorry but im busy." sagot ko at siniko naman ako ni Luke

"By the way sidney this is Luke. Luke si Sidney."

"Ha-ha-Hi. Hi!" nabubulol na bati ni Luke.

"Hi." maikli at walang reaction na sagot ni Sidney

"Oh c'mon Kylle. Coffee na tayo pleaseee." parang batang sabi nito

"I said im busy okay? Yan si Luke. Pasama ka." Nakasimangot na tumingin si Sidney kay Luke

"No thanks." sagot ni Sidney sabay talikod

Naiwan namang nakatulala si Luke
Siguro naliwanagan na

"See?" natatawang sabi ko

"She's so beautiful!" sagot ni Kulle habang nakatulala pa rin

Muntik na malaglag ang panga ko dahil kay Luke. Hindi ako makapaniwala.

Maid For Each Other (Mayward inspired story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon