"Carlo! Pasensya ka na. Kanina ka pa ba?" tanong ko kay Carlo pagdating ko sa bahay ng tito niya
Si Carlo ang bestfriend ko simula pagkabata. Alam niya halos lahat ng problema ko. Nandyan siya lagi para sakin ang ganun din naman ako sa kaniya. 19 y.o siya. Mas matanda sakin ng isang taon.
Graduate na siya ng dalawang taon at HRS ang kinuha niyang course dahil may catering business ang tito niya. At malaki ang naitutulong niya dito bilang Head Caterer.
Madalas iniisip ng iba na may relasyon kami ni Carlo lalo na pag magkasama kami pero kagaya ko, wala pa rin sa isip niya ang pagpasok sa isang relasyon.
Hindi naman ganun kahirap ang buhay nila hindi rin ganun kayaman. Yung sakto lang, pero pinili niyang tumulong para din sa kapatid niyang may sakit.
Para sakin, sobrang bait niya. Hindi niya ko kinakalimutan lalo na sa mga sideline na ganito dahil alam niya ang pangangailangan ko.
"Hindi. Kakarating ko lang din Isay. Sumabay na tayo sa service van sakto paalis pa lang." sagot ni Carlo
"Salamat Carlo buti naisingit mo ko dito."
"Sus. Ikaw pa ba? Mahina lang talaga ang business ngayon kaya bihira magkaroon ng service kakaunti kasi yung client natin eh pero sa December sigurado mapapadalas na tayo." sagot ni Carlo
"Sana nga. Ano pa lang event na pupuntahan natin ngayon?" tanong ko
"Pressconference ng mga sikat na artista. Ipa-plug kasi nila yung bagong movie nila."
"Artista? Sino?"
"Sila Kylle Mattew tsaka Sidney Lopez."
"Ah. Sila yung mga bagong teen stars diba?"
"Tumpak!" Sagot ni Carlo
"Wow. Bigtime naman pala tong event na to."
YOU ARE READING
Maid For Each Other (Mayward inspired story)
Teen FictionPasaway na amo Pasaway na kasambahay Sundan ang istorya ni Isabelle at Kylle sa Maid for each other. Credit to the owner of the pictures.