SIARGAO

948 68 7
                                    

Author:
Sa mga hindi pa po nakakabasa nung isang story ko na nauna dito pakihanap niyo na lang.
Mayward inspired story din siya.
BE CAREFUL WITH MY HEART

FAN VOTE COMMENT
comment anything! walang problema dun as long as alam kong may nagbabasa.

Salamat guys. 
❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤

ISABELLE'S POV

"SIARGAO???" gulat na tanong ko

"Bingi???" tanong na ni Kylle at ginaya pa yung reaksyon ko

"Sigurado ka ba? Hindi kaya nagkakamali ka lang?"

"Based on this two plane tickets. Im 101% sure."

Tickets? So mag eeroplano kami? Ano bang plano ng lalaking to? Patayin ako sa bwisit o patayin ako sa nerbyos?

"Ticket? Plane? As in eroplano??" naguguluhang tanong ko

"I know how hard it is to shake a really intense news but are you really that stupid that you dont even know what Plane is?" nang aasar niyang sagot sakin

Aba tignan mo nga naman yung kayabangan ng lalaking to oh.

"Alam ko! Pero teka naman. Hindi pa ko nakakasakay ng eroplano. Nagbago na isip ko. Hindi na ko sasama."

"Okay. So willing ka na ba magbayad? Mas lalong madadagdagan yung utang mo pag nasayang ulit tong plane ticket na to."

Eto nanaman kami. Kikwentahan nya nanamahan ako. Siguro nung nag aaral pa to math paborito nito.

"Alam mong wala akong pambayad."

"So mamili ka. Sasakay ka ng eroplano o magbabayad ka na lang sakin?. No wait. There's another option for you. Maglalakad ka." nang aasar yung ngiti niya habang sumesenyas pa

"Aaarggggh! KYLLLEEEEEE!!!" Galit na sigaw ko

"There you go! I thought you'll gonna call me SIR all this time." natatawang sagot ni Kylle.

Tinalikuran ko siya. Humarap na ko sa harapan ng sa sasakyan. Wala na kong magawa. Ako nanaman ang talo. Sumosobra na talaga tong Kylle na to. Narinig ko pa yung simpleng pagtawa niya. Nang aasar talaga.

Pag dating sa airport mas lalong lumakas yung kaba ko. Grabe. Papatayin ako ng taong to.

Madaming naka escort samin dahil baka pagkaguluhan siya sa airport. Naka suot siya ng hoody at shades at may ilang nakakakilala pa rin sa kanya na nagpipilit lumapit.

Sobrang bilis nila mag lakad ako halos masubsob na dahil hindi ako maglada ugaga sa mga dala kong gamit.

"Ready?" tanong niya sakin

"Ready mo mukha mo!" bulong ko

"Ano yun?"

"Wala. Sabi ko ikaw ba ready na?"

"I was born ready. And i dont even know how many times na ako nakapag travel by plane. So yeah. Chill lang."

"Chill lang chill mo mukha mo." bulong ko ulit

"Panay bulong mo."

"May kausap lang ako. Pero hindi ikaw. May 3rd eye ako eh."

"Crazy!"

Pag sakay ng eroplano. Hindi pa man nakakaalis ay halos hindi na ko makahinga.

Si Kylle naman nakapikit lang habang naka headphones. Sinubukan kong pumikit na lang din.

Inhale exhale
Inhale exhale
Inhale exhale

"Hey! Crazy girl" tinapik ako ni Kylle

Maid For Each Other (Mayward inspired story)Where stories live. Discover now