FINDING ISABELLE

839 58 9
                                    

Kylle's POV
Sinubukan kong balikan si Isabelle. Sa lahat ng work niya na alam ko pero hindi ko siya nakita. Araw araw hindi ako napapagod tawagan siya pero wala pa rin siyang sagot kahit sa mga text messages ko.

Hanggang sa may nakapag bigay ng address niya kay Bea.

"Oh eto na."

"What's this?" tanong ko

"Address ni Isabelle."

"Really?"

"Yup!"

"Oh my God Bea. Thank you. Thank you."

Agad agad akong tumakbo palabas para kuhanin yung sasakyan ko. Sa wakas. Magkikita na tayo ulit.

Pagkarating ko sa address na nakasulat sa papel.

"Hi. Excuse me dito ba nakatira si.."

"Kylle? Kylle Mattew??" tanong sakin ng babaeng napagtanungan ko.

titili na sana siya pero buti na lang at napigilan ko "ssshhh. please."

"Ay sorry sorry. Nagulat kasi ako."

"So dito siya nakatira?"

"Oo diyan. Pero ilang araw na silag hindi umuuwi eh. Hindi ko alam kung bakit."

"Ah ganun ba?" malungkot na tanong ko

Bigla akong nawalan ng pag asa. Yung akala kong makikita ko na ulit siya. Hindi pala.

"Pero pwede kong itanong sa nanay ko kung nasan sila."

"Talaga?" tanong ko, tumango naman ang babae.

Pag dating namin sa bahay nila agad na nag kwento ang babae sa Nanay niya. Siya pala si Ella ang anak ni Aling Ising na may ari ng bahay na inuupahan nila Isabelle.

"Ilang araw na silang hindi umuuwi dyan" si Aling Ising

"Nakapag sabi po ba kung saan?"

"Nasa ospital. Inatake ng highblood yung Lola niya. Hindi alam nito ni Ella kasi madalas kasama to ng Papa niya."

"Ganun ho ba? Alam niyo po ba kung anong ospital?"

"Nakalimutan ko. Pero sa Maynila yun eh."

"Pwede ko po bang makuha yung full name ng Lola ni Isabelle."

"Emilia. Emilia Hernandez."

"Maraming salamat po Aling Ising. Ella Salamat. Mauna na po ako."

"Walang anuman kuya Kylle. Hatid na kita sa labas." si ella

"Salamat ulit Ella. Eto pala calling card ko. Tawagan mo ako kung sakaling nakabalik na sila." nakangiti siyang kumaway sa akin

Habang nasa sasakyan. Agad kong tinawagan si Bea para sabihin yung mga detalyeng nalaman ko.

"Please Bea. Help me."

"Nag promise naman akong tutulungan kita diba."

Agad kaming nagkita ni Bea para magpunta sa mga ospital sa Manila.

"Kylle. 10pm na." si Bea

"Pero hindi pa natin siya nakikita."

"Pagtapos ng pictorial mo bukas. Ituloy natin yung paghahanap."

"Please Bea. Last na promise."

"Last na ha. Tapos bukas na lang ulit pag wala pa sila dito."

"Promise."

"Okay lets go." sagot ni Bea tsaka bumaba sa sasakyan

Pag dating namin sa Lobby ng pang apat na ospital na pinuntahan namin. Nagtanong ako

"Excuse me. May pasyente ba kayong Emilia Hernandez?"

"Wait Sir. Check ko lang po." sagot sakin ng nurse sabay tingin sa records nila sa computer

"Meron nga po Sir. Naka admit po siya sa Room 208" sagot ng nurse

"Can i see her?"

"Sir hindi po oras ng dalaw ngayon eh."

"Please???"

"Sorry Sir."

"Ganito kasi Miss. Siguro namumukhaan mo naman siya diba?" singit naman ni Bea

"Opo. Si sir Kylle Mattew po."

"Kung sa oras siya ng dalaw pupunta baka magkagulo dito sa ospital niyo. Gusto niyo ba yun?"

"Ayaw po."

"So pwede na kaming umakyat? Please?"

"Osige po pero mabilis lang po ha." nag aalangang sagot ng nurse

Bigla akong nabuhayan ng loob
Sobrang excitement ang naramdaman ko.

Sa wakas! Eto na yun.

"Sige sige Miss thank you."

"Pag autograph po ako pagbalik niyo ha."

"Kahit picture pa." Nakangiting sagot ko

_______________
Sorry kung medyo natatagalan mag update. Babawi ako sa inyo next time. Nakakaloka kasi yung bagyo.
Yung baha feeling close nag tresspass dito sa bahay namin.
Sorry sorry talaga
VOTE/FOLLOW/COMMENT
Share the story
Share the love
Share the kilig
❤❤❤

Maid For Each Other (Mayward inspired story)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ