Zombie is real

978 70 10
                                    

Isabelle's POV

8am natapos ang shift ko kaya bago mag 9am nasa bahay na ko.

"Lola nandito na po ako." bati ko kay lola bago ako mag mano

"Kumain ka muna apo. May sinangag dyan sa lamesa at itlog. Kumain ka, magpahinga bago matulog." sagot ni Lola

"San kayo pupunta Lola?" tanong ko

"Mamimili ako ng saging kila Ising. Para ipang turon at bananaque mamayang hapon."

"Sabi ko naman po sa inyong itigil niyo na ang pagtitinda lola."

"Ano ka ba apo. Manghihina lang ako pag hindi ko ikinilos tong katawan ko. Kayang kaya ko pa nga."

"Ay Lola sahod ko nga po pala. Bayaran niyo na po yung kulang natin sa upa."

"Maraming salamat apo."

"Mag iingat kayo Lola." bilin ko bago muling mag mano sa lola ko

Gaya ng sabi ni Lola. Kumain ako at nagpahinga bago ako matulog. Pero dalawang oras pa lang akong nakakatulog ng marinig ko ang pag tunog ng cellphone ko.

Antok na antok ako. Pakiramdam ko ay kapipikit ko pa lang. Kaya hindi ko to pinansin nung una pero hindi pa rin to tumigil sa pag tunog kaya nakapikit ko itong kinapa at sinagot.

"Hello?" Aantok antok kong sagot

"Yes hello. Can i talk to Miss Isabelle Hernandez?"

"Speaking. Sino po sila?"

"Im Attorney Gab Enriquez. Private legal consultant of Mr. Kylle Mattew."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig! Nabalikwas ako ng bangon.

Pang may naglalarong ng scrabble sa utak ko. Kung ano anong words and names ang pumapasok.

Attorney?
Consultant?
Kylle?
Tekaaaa ano to?

"Hello Miss Hernandez are you still there?"

"Ha? Ay opo Attorney ano pong kailangan nyo." natutulirong tanong ko

"We just want you to know that we're planning to file 3 cases against you for.."

"Teka attorney." Pinutol ko muna ang sasabihin niya. "baka pwede naman nating pag usapan to." natatarantang tanong ko

Kakasuhan? Ako?
Dahil sa natapong Sauce? Ano to?

"Hindi pa ko tapos Miss Hernandez."

"Kung anong kaso man yan Attorney hindi yan totoo at wala kong ginagawang masama."

"Ang maipapayo ko lang sayo is kumuha ka rin ng sarili mong abogado."

"Pero... wala po akong pera at oras para diyan attorney hindi po ba natin to pwedeng pag usapan?"

"Mr. Kylle Mattew told me that he already gave you his address so why didnt you show up if you really wanna talk to him?"

"Pupunta po ako."

"Good to hear that Miss Hernandez."

Nag mamadali kong kinuha ang bag ko at hinanap ang calling card na binigay sakin ni Mattew.

Forbes Park Makati??
Ang layo naman!

Pero may choice ka pa ba Isay?
Tanong ko sa sarili ko.

Dali dali akong nag ayos ng sarili ko at ng gamit. Nagpaalam na rin ako kay Lola at sinabing may pupuntahan lang na kaibigan.

Maid For Each Other (Mayward inspired story)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن