2nd day (vacation)

913 60 3
                                    

Isabelle's POV

Nasa kanto na ko. Dala ang mga gamit ko. Naghihintay na lang ako ng jeep na masasakyan ko.

"Basta Lola ha. Yung mga binilin ko po ha. Wag kayong magpapakapagod. 1week lang po ako. Hihintayin nyo po si caloy. Binilin ko na rin po kayo sa mga kapitbahay." paalala ko kay Lola

"Oo apo napakakulit. Wag mo ko alalahanin. Okay lang ako dito. Hindi naman ako papabayaan ng mga tao dito. Mag iingat ka ha."

"Opo Lola mamimiss ko po kayo."

"Mamimiss din kita apo ko. Mag iingat ka dun."

"Salamat La, alis na po ako. Eto na po yung jeep. Ingat Lola."

Niyakap ko ng mahigpit si Lola bago ko sumakay ng jeep.

"Ingat apo." kumakaway na sabi ni Lola.

Habang nakasakay sa jeep. Iniisip ko na kung anong mga mangyayari. At nagsimula nanaman akong kabahan

Kaya mo yan Isay. Isang linggo lang to. Mabilis labg to. LAVARN!

Para makabawas ng kaba. Naisipan kong tawagan si Caloy.

"Hello Caloy." bati ko.

"Oh Isay. Dami mo talagang load." birong sagot ni Caloy

"Loko ka talaga. Nag aalala lang ako. Yung mga binilin ko sayo ha. Wag mong kalimutan." paalala ko

"Oo na nga po Madam. Natatandaan ko lahat. Tsaka sa dami ba naman ng text mo. Wag kang mag alala. Naka save lahat."

"Salamat talaga Caloy. Babawi ako sayo Promise!"

"Walang ano man. Ano ka ba. Kaw pa! Nakaalis ka na ba?"

"Oo nakasakay na ko ngayon." sagot ko

"Ingat ha."

"Salamat ikaw din! Sige na Caloy ibababa ko na ha."

"Sige Isay"

Pagkatapos ng halos tatlong oras na biyahe ko. Nakaharap ko nanaman ang dambuhalang gate na to.

So eto na yun! Magkakaharap nanaman kami ng Kylle na yun.
Tiis lang Isay. Mabilis lang to!

Pinalakas ko muna yung loob ko. Nag isip ng mga positibo. Isang malalim na buntong hininga muna at nag doorbell na ko.

Pagpasok ko sa loob nakita ko si kylle. Na nakaupo sa sala.

"Finally youre here!"

"Goodmorning po SIR." nang aasar na bati ko

"Call me Kylle okay?"

"Maid niyo ako diba? SIR?"

"Fine! Whatever! Lets go."

"Teka saan ba tayo pupunta?"

"You'll see." walang emosyon na sabi niya bago dumaan sa harap ko palabas ng pinto pero bigla siyang huminto

"Yaya. Wag mo na ilabas yan. Si Isabelle na bahala dyan." sabi niya

Napatingin naman ako sa kausap niya at nakita kong hawak ng yaya niya ang dalawang malalaking maleta.

"Ako magdadala niyan?"

"It's your job! Dalin mo yan at isakay mo sa sasakyan."

At talagang pagkalalaking maleta tong hinanda niya ha.

Wala na kong nagawa. Napakamot na lang ako bago ko kinuha yung dalawang maleta at hinila palabas kasama ng mga gamit ko.

"Mabigat ba?" parang nang aasar na tanong niya

"Hindi. Ang gaan gaan nga eh. Try mo kaya dagdagan pa. Pumasok ka sa loob baka may nakalimutan ka pa." pilosopong sagot ko naman sa kanya at nakakainis na ngiti lang ang sinagot nya sakin

"Yabang." bulong ko

Tinulungan naman ako ng driver nila na nagbukas ng likuran ng sasakyan.

Pagkatapos maiayos ang gamit binuksan ng driver ang gitnang pinto ng sasakyan para makasakay si Kylle.

Akmang sasakay na rin ako ng

"HEP HEP!" pigil sakin ni Kylle

"hooray!" nang aasar na sagot ko naman

"Hindi ka uupo dito. Dun ka sa harap. Sa tabi ng driver ko."

"Okay fine!" sagot ko sabay irap sa kanya

"Stupid!" bulong niya

Pagkasakay ko sa harapan. Nagsimula ng umandar yung sasakyan

"Siguro naman pwede mo ng sabihin sakin kung saan tayo pupunta no?" naiinis na tanong ko

"We're going to Siargao."

"SIARGAO?????" gulat na tanong ko

Maid For Each Other (Mayward inspired story)Where stories live. Discover now