Pag-asa

733 47 5
                                    

CARLO'S POV

Pag dating ng makati ay bigo kaming makita si Kylle.

"Wala yatang tao eh." si Luke

"Kuya kuya." tawag ko ng may makita akong lalaki na naglalakad sa garden ng mansyon nila Kylle

"Bakit po?" tanong nito

"Si Kylle?"

"Wala ho si Sir dito."

"Nasaan? Mga kaibigan niya kami." tanong ko

"Hindi ko po pwedeng sabihin. Pasensya na."

"Sige na kuya. Satin satin lang" singit naman ni Luke

"Hindi po talaga pwede pasensya na talaga kayo."

"Mukhang hindi talaga magpapapilit tong si manong" bulong sakin ni Luke

Biglang napansin kong may paparating na sasakyan pero ng tumapat to sa harap namin ay bigla itong lumiko.

"Teka... si ano yun ah." sabi ko

"SI BEA!" sabay na sabi namin ni Luke

Dali dali akong tumakbo para habulin ang sasakyan

Si Luke naman ay tumakbo papunta sa sasakyan niya

"Tekaaa. Sandaliiii!" Sigaw ko

"Sakay!" sigaw ni Luke ng tumapat siya sa harap ko. Nagmamadali akong sumakay at hinabol namin ang sasakyan ni Bea.

Mabilis ang pagpapatakbo ni Luke at ng malapit na kami. Tila sumuko naman si Bea at huminto sa gilid.

"Beaaa." humihingal na bungad ko

"Ano nanaman ba??" naguguluhang sagot ni Bea

"Nasaan si Kylle."

"Wala siya. Hindi ko siya kasama ngayong araw okay?"

"Nasaan nga??"

"Hindi ko alam."

"Please!"

"Diyos ko wag niyo naman akong ipitin sa sitwasyon."

"Bea alam kong nasa side ka namin. Alam kong gusto mo rin maging masaya yung dalawa."

"Wag mo na kaming pagurin. Please naman sabihin mo na." si Luke

"Pasensya na. Pero swear! Hindi ko talaga alam kung nasaan si Kylle. Hindi na ako ang handler niya." malungkot na sabi ni Bea

Mukha namang nagsasabi siya ng totoo kaya napayuko ako at nalungkot na maisip kong malabo naming makita si Kylle.

Inistart na ulit ni Bea ang sasakyan niya at sinimulang paandarin. Pero isang dipa pa lang ang layo niya ng huminto ulit.

Tumakbo ako palapit kay Bea.

"Hindi ko talaga alam kung nasaan si kylle pero alam ko kung sinong makakasagot sa inyo."

Bigla akong nabuhayan ng loob

"Sino?"

"Sumunod kayo sakin."

Bumalik kami ni Luke sa sasakyan niya at sinimulan ng sundan si Bea.

Matapos ang byahe.
Huminto kami sa harap ng isang modern design na malaking bahay.

Lumabas kami ng sasakyan at lumapit kay Bea.

"Kaninong bahay to?" tanong ko

"Kay Sidney."

"SIDNEY??" sabay na tanong namin ni Luke

"My future wife." mahinang bulong ni Luke

"Ha?" tanong ko

"Wala. Tara na?"

"Bea salamat! Salamat talaga."

"Goodluck." sagot ni Bea bago kumaway at umalis

Nag doorbell kami ng maraming beses bago pa may lumabas na matandang babae

"Magandang gabi ho. Nandiyan ho ba si Sidney??"

"Pasensya na ayaw tumanggap ni Señorita ng mga fans niya dito."

"Ay hindi po. Mga kaibigan niya po kami. Pati ho si Kylle." pag sisinungaling ni Luke

"Nako lumang tugtugin na yan. Bumenta na yan." sagot naman ng matanda

"Totoo po. Pinapunta ho kami ni Kylle dito may pinapasabi pong importante." si Luke

"Please naman ho."

"Ano bang pangalan niyo?"

"Luke po."

"Carlo po."
Sagot namin

Pumasok ang matanda at maya maya ay lumabas ulit ito.

Pinaupo niya kami sa isang bench sa garden.

"Grabe bro. Para tayong mga side kick sa pelikula." pabirong sabi ni Luke

"Ayan naman ang kontrabida." bulong ko ng makita kong lumabas si Sidney.

"Sidney!" tawag ni Luke

"Anong kailangan niyo?"

"Si Kylle??" tanong ko

"At ano namang nakain niyo at naisip niyong sasabihin ko kung nasaan si kylle"

"Dahil ikaw ang anghel ko." sagot ni Luke

"What???" tanong naman ni Sidney

"I mean, may pag asa ba ko sayo? Ay hindi hindi. Mali. dahil ikaw na lang ang pag asa." nalilitong sabi ni Luke

"Are you kidding me? Makakaalis na kayo."

"Please." Nasabi ko

Maid For Each Other (Mayward inspired story)Where stories live. Discover now