BLESSINGS/PINSAN 😊

827 70 7
                                    

Isabelle's POV

Dahil na rin sa pagod.
Nakatulog kaming tatlo. Oo, kasama pa rin namin si Kylle at nangako siya na hindi niya ako iiwan hanggat hindi pa nakakalabas sa ICU ang Lola.

Alas kwatro ng madaling araw ng magising ako. Kinumutan ko si Kylle at tinitigan ang kanyang mukha.

Sigurado ka ba Kylle?
Sigurado ka bang kaya mong harapin lahat ng to para lang sakin?
Para lang sa isang Isay na wala namang panama sa iba.

Hinihimas ko ng pisngi ni Kylle ng bigla siyang gumalaw ngunit hindi dumidilat.

Nagulat ako at patay malisyang tatayo na sana ng bigla niyang hinila ang kamay ko

Nawalan ako ng balanse at tumumba sa tabi niya. Sakto ang ulo ko sa isang braso niya. Tatayo sana ako ulit ng bigla niya akong kabigin at yakapin ng mahigpit.

Magkalapit na magkalapit ang aming mukha. Nananitili siyang nakapikit.

Maya maya mas lumapit pa siya at akmang hahalikan ako. Ninerbyos ako at napapikit na lang ng maramdaman kong hinalikan niya ako sa noo.

"You must be tired. Take some rest my love." bulong ni Kylle habang hinihimas ang ulo ko.

My love
My love
My love

Parang nag echo sakin yung salita niya. Nakaramdam naman ako ng sobrang kilig mula sa mga narinig ko.

Alas sais ng umaga ng magising kaming tatlo. Si Caloy ang nagpunta sa baba para bumili ng almusal. Sumilip ako sa labas ng kwarto.

Medyo dumadami ng ang tao. Baka maraming makakita at makakilala kay Kylle.

Tumingin ako sa kanya. Nakaupo siya habang hawak ang kanyang cellphone at pinapaikot ikot ito.

Lumapit ako sa tabi niya

"Hinahanap ka na ba?" nakangiting tanong ko

"Ssshhh. Okay lang. Wag kang mag alala." nakangiti namang sagot ni Kylle

"Kylle okay lang. Ano ka ba. Kailangan ka din nila dun."

"Okay lang makakapaghintay ang trabaho." sagot naman ni Kylle

"Promise. Ayos lang! Babalik ka naman diba?" tila batang naglalambing na sabi ko kay Kylle

"Ofcourse." sagot ni Kylle sa pisil sa ilong ko

"Sige na pagkatapos ng almusal umuwi ka na. Para makapag pahinga ka pa."

"Ayoko."

"Ang kulit naman ng baby boy." pabirong sabi ko

"Uuwi naman ako. Pero pagdating na nung tinawagan natin na pinsan mo. Baka mamaya hindi mo talaga pinsan yun eh. Baka mamaya stalker yun." seryosong sagot ni Kylle

Natawa naman ako at napatingin siya sakin tsaka napayuko na parang nahihiya.

"Ang cute cute mo talaga." sagot ko sabay pisil sa magkabilang pisngi niya

"Ehemmmm" si Caloy

Nagkatinginan kami ni Kylle bago kami tumawang tatlo.

Sabay sabay kaming kumain ng almusal. Palabas labas ako ng kwarto habang yung dalawa nag kekwentuhan sa loob at tila nagkakapalagayan naman ng loob.

Hindi na ko magtataka dahil parehas naman talaga silang mabait kaya lang parehas ding pasaway.

Sobrang pasasalamat ko na dumsting silang dalawa sa buhay ko.

Ng muli akong lumabas ng kwarto nakita ko ang doctor ni Lola.

Patakbo akong lumapit dito para magtanong

"Doc. Ano pong balita?" natatarantang tanong ko

Pigil hininga ako habang nakaharap sa doctor. Sobra sobra ang kaba ko.

"Stable na ang lagay ng pasyente. Mamaya ibabalik na siya sa kwarto niya pero bawal muna siyang ma stress at kausapin."

"Bawal ma stress, bawal kausapin." ulit ko

"Bawal muna rin siyang kumain. Hayaan niyo lang siyang matulog at magpahinga." bilin ng doctor

"Okay doc tatandaan ko po." sagot ko naman

"Ok hintayin niyo na lang siya."

"Salamat po doc."

Tila nabunutan ako ng tinik ng marinig ko ang balita mula kay doc.

Thank you Lord
Sa lahat ng blessings na binibigay niyo.
Mula sa nagbayad ng bill, kay Caloy na bestfriend ko, sa pagdating ni Kylle. Hanggang sa pag ayos ng kalagayan ni Lola. Salamat po.

Agad akong bumalik sa kwarto para ibalita sa dalawa na mas maayos na ang kalagayan ni Lola ngayon.

Tuwang tuwa kami at excited na talaga akong makita ulit si Lola. Grabe talaga ang pasasalamat ko at nakahinga ako muli ng maluwag.

Habang naglilinis ako at naghahanda sa pagbabalik ni Lola ay may kumatok sa pinto ng kwarto

Si Caloy ang nagbukas.

Nabitawan ko ang hawak kong isang basket ng prutas ng makita ko kung sino ang kumatok

Ang lalaking naghatid sakin pauwi sa bahay nung unang araw na magpunta ako sa mansyon nila Kylle.

"Luke????" Hindi makapaniwalang tanong ko

Maid For Each Other (Mayward inspired story)Where stories live. Discover now