Island Hopping

910 71 8
                                    

Hi guys. Sa mga gusto pong mag send ng pictures na pwede nating ilagay dito send lang po kayo sa FB ko. Bernadette Ganzon Santiago.

Paki edit po. Paki lagay yung title naten tapos paki lagyan ng name or username ng wattpad niyo sa mismong pic then yun po ilalagay natin sa mga susunod na part para parang shout out na din. 😊

❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤
PART 22
ISLAND HOPPING

Isabelle's POV

Sumakay kami sa isang maliit na ferry boat. Ako, si Kylle at yung dalawang lalaking bangkero. Napaka ganda ng tanawin. As in! Napakalinis ng tubig. Kung iisipin parang hindi mo aakalain na may ganito pala satin.

Habang nasa bangka. Halos malaglag yung panga ko sa paghanga sa mga nakikita ko. Si Kylle busy at sobrang seryoso sa pagkuha ng pictures.

GUYAM ISLAND ang una naming pinuntahan. Puting puti yung buhangin na akala mo pulbos. Sobrang daming puno ng buko at sobrang fresh inumin.

Sinubukan pang umakyat ni Kylle sa isa sa mga puno. Tuwing susubok siya ay tawa kami ng tawa pero bandang huli. Nabigo siya at sumuko na lang.

"Konting practice pa Sir." sabi ng mamang bangkero

"Maghintay kang buko ka. Babalikan kita." pagbabanta ni kylle at nagtawanan nga kaming lahat.

Sumunod ay DAKU ISLAND dito kami kumain ng tanghalian na boodle fight ang theme. Sariwang seafoods, prutas at gulay. Game na game si Kylle na sumabay sakin sa pagkakamay.

Pakiramdam ko mas okay pa yung ganito. Yung tipong, sinasamahan ko lang siya pero hindi kami nag uusap.

Huling pinuntahan namin ay yung NAKED ISLAND. Nung una nagtaka din ako sa pangalan pero puro puting bungin lang pala ang makikita dito kaya tinawag na Naked Island.

Dito kami naglakad lakad. Sobrang sarap sa pakiramdam ng hangin. Tanging alon lang ang maririnig.

Abala pa rin si Kylle sa pagkuha ng pictures at patingin tingin sa malayo.

Maya maya ay inaya na niya akong mag swimming.

"Let's swim?" tanong ni Kylle

"Hindi talaga ko marunong lumangoy. Ikaw na lang. Titignan na lang kita." sagot ko

"Hindi mo naman kailangan lumangoy hanggang sa kabilang island." nang aasar na sabi nito

"Nagsisimula ka nanaman SIR."

"Tara na YAYA"

"Yaya mo mukha mo. Baby ka ba?"

"Baby face." mayabang na sagot nito at nakuha pang magpa cute

"Feeling."

"Tara na kasi crazy girl." parang batang nag aaya

"Oo na sa mababaw lang ha." natatawang sagot ko

"Hindi ka malulunod. Trust me."

"Oo na nga."

Masaya kaming nag swimming ni Kylle na halos isang oras din. Mabuti na lang at hindi na masyadong tirik yung araw. Kaya ayun. Nagbabasaan nag aasaran. Nagkakapikunan.

Pero dito ko nakita yung tunay na si Kylle na parang pilit niyang tinatago. Napakakulit. Napakagaan kasama. As in tawa lang kami ng tawa.

May time nga na ginaya pa niya yung alimangong nakita namin maglakad.

Ala sais na ng gabi ng makarating kami sa hotel. Sa baba nito kami kumain ng hapunan. Pagkatapos ay bumalik si Kylle sa pampang at naupo sa buhangin habang pinapanuod ang alon.

At gaya nung nagdaang gabi. Tahimik nanaman siya. Walang imik at malalim ang iniisip.

"Kylle?" tawag ko sa kanya. umupo akk sa tabi niya

"Yes?" walang emosyon na sagot niya

"Okay ka lang?" tanong ko. Tango lang ang sinagot niya

"Sure ka?"

"Yeah. Napagod lang siguro ako."

"Pahinga na tayo?" tanong ko hindi siya sumagot

Tumahimik siya ulit at maya maya ay nagsalita

"Isabelle?" tawag niya sa akin na parang may gusto itanong. Humarap ako sa kanya

"Did you enjoy?" seryosong tanong niya

"Oo naman. Sino ba naman hindi mag eenjoy. Grabe ang gaganda ng pinuntahan natin tapos naalala mo kanina diba nung.." hindi pa ko tapos magsalita ng putulin niya yung sasabihin ko

"Its not about the islands. Im asking if..." nag aalangan niyang tanong

"If ano? Tuloy mo na. Wag kang mahiya sakin."

"Im asking if you enjoy. Being with me." nakayukong tanong niya na parang ang bigat bigat ng pakiramdam niya

Hindi ko man makita yung mukha niya alam kong punong puno siya ng lungkot

"Alam mo mokong ka lang minsan eh. Ang lakas mong mang asar. Kung makautos ka gusto mo masusunod agad. Napaka childish mo. Pero oo."

"Anong oo?"

"Oo. Ano. Ahhhm nag enjoy naman akong kasama ka. Thank you nga pala ha. Ang sayo ko. Kahit pano naranasan ko to. Tsaka kahit panu nakita ko rin yung makulit na side mo. Thank you." nakangiting sabi ko sa kanya

"No Isabelle. I should be the one to thank you." matamlay niyang sagot

"Ha? Bakit?"

"For being here. With me. For... for telling me that you had fun being with me." putol putol na sagot niya

Dito ako mas lalong nakaramdam. Na may mabigat siyang tinatago.

"Kylle yung totoo. May problema ka ba?"

Maid For Each Other (Mayward inspired story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon