UTRAGAS STATION

1K 60 2
                                    

Mula nung maganap yung pangyayaring yun sa presscon. Dalawang linggo na ang nakalipas.

Dumating ang pinakahihintay ni Isabelle. Ang sembreak.

ISABELLE'S POV

Sa wakas. Sembreak na.
May extra akong oras para sa trabaho at iba pang raket. Makakapag ipon ako para sa susunod na pasukan. -sa isip isip ko habang inaayos ang gamit ko sa locker ng gasolinahang pinapasukan ko.

"Haaays" nahihikab ako sa antok hindi pa man ako nagsisimulang mag trabaho.

Pang gabi kasi ako ngayon dahil 24hrs to. Kaya alas otso ng gabi hanggang alas otso ng umaga ang shift ko.

"Bulagaaa!" Si carlo

"Uy Carlo. Dito ka ulit?" Tanong ko

"Oo. Tinawagan ako ni boss. Kapos daw kayo sa tao." Sagot ni Carlo

"Naks naman. Sipag naman ng bestfriend ko." Nakangiting sagot ko

"Nahawa na yata ako sayo eh. Bakit nga pala aantok antok ka na eh ang aga aga pa?"

"Ako kasi nagtinda ng meryenda kanina. Pinagpahinga ko si Lola."

"Baka naman hindi ka natulog tandaan mo hindi ikaw si Darna Isay" tinawag nnaman niya ko sa palayaw ko

"ISABELLE! Carlo. ISABELLE. Dalaga na ko Caloy."

"Oo na Isabelle na. Tara labas na tayo?"

"Tara." Sagot ko

"Sige tara na Isay." sabay tatawa tawang inakbayan ako hinampas ko naman siya sa balikat.

Nag simula na kaming mag trabaho ni Carlo. Magkahiwalay kami. Kabilaan kumbaga.

Isang itim na Ford mustang ang papalapit sa direksyon ko.

Wooow! Ang gandang sasakyan naman nito.

Huminto ito sa harap ko. At gaya ng inaasahan unti unti nitong binaba ang bintana nito.

Pero isa lang ang hindi ko inaasahan. Ang taong nakaupo sa driver's seat nito.

"Ha-ha- hmmm Hi Si-sir" patay malisyang bati ko

-----------------------------------------------
Ooops! Dito muna.
Wait for the next update. 😊
2nd encounter.

Maid For Each Other (Mayward inspired story)Where stories live. Discover now