Chapter 13 - The Suplado Returns

Zacznij od początku
                                    

 

 

 

“Mga friends mo? Pakilala mo na naman ako.”

 

 

 

“Ah oo. Si Nica, Michael, Ina, Mark, at Charlotte.”

 

 

 

At ayun nag hi sila sa isa’t-isa.

“I’m sure Kilala niyo na sila.” Tukoy niya sa mga kaibigan. “Kaya hindi ko na siguro kailangan ipakilala ang mga sira-ulong to.”

 

 

Nagtawanan ang mga kaibigan ko sa biro ni Annika. Tingin ko nabasa niyang naiilang ang kami kaya niya ginawa iyon.

 

“Hoy Annika. Hindi ako sira-ulo. Gwapo ako.”

 

 

 

“Huwag ka nang mangarap Albert. Dahil mas gwapo ako sa’yo.”

 

 

 

“Tumigil na nga kayong dalawa, nakakahiya sa kanila.”

 

 

 

“Titigil na po. LOLO STEPHEN”

 

 

 

 Tapos sabay na nagtawanan sina Albert at Dominic kung hindi ako nagkakamali. Nag-apir pa sila. Maya-maya ay binatukan silang dalawa ni Annika.

 

“Kapag hindi kayo tumigil na dalawa sisiraan ko kayo sa mga chicks.” Napakamot na lang sila sa ulo.

“Tama ka nga Annika, Sira-ulo ng mga kaibigan mo.”

 

 

Lalo sila nagtawanan sa sinabi ko.

Okay naman pala itong mga taong to. Normal lang din naman pala sila tulad namin. Marunong magbiro at tumawa. Exxage namin kasi mag kwento at magreact itong mga kaibigan ko about sa mga to eh, kaya kung anong masasamang bagay ang naiisip ko.

When Suplado Boy Meets Palaban GirlOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz