∞ Two ∞

15.1K 234 2
                                    

Chandra's POV :

Its been a week since nong nahuli ko si Kendrick na may ibang babaeng kahalikan. Wala parin akong lakas ng loob na kausapin siya. Masisisi niyo ba ako? Tao lang din naman ako may damdamin ding nasasaktan. Kung kailan ko siya mapapatawad? Ang sagot di ko pa alam. I know naman dapat makinig muna ako sa paliwanag niya. Pero this time siguro kailangan ko muna ng space para makapag-isip. Sa loob kasi ng dalawang taon masyado akong naka attached sa kanya eh. Siguro kaya sobra akong nasasaktan ngayon kasi hinayaan ko ang sarili ko na umikot ang buong mundo ko sa kanya. Which is narealize ko na sobrang mali. Sobrang taas ng expectation ko sa relationship namin. Na akala ko perfect na. Binigay ko lahat ng tiwala ko sa kanya at binuhos ang buong pagmamahal ko. Na akala ko pag ginawa ko. Hinding hindi siya gagawa ng bagay na masasaktan ako. But I was wrong. Defintely wrong.

Para makapag isip ako ng tama. I went here at my grandparents farm, here in Binangonan Rizal.. Pag ganito na kabigat ang nararamdaman ko. Kailangan ko ng magpunta dito. Andito kasi ang pinakapaborito kung lugar.

Mabibigat ang mga paa kong humakbang paakyat ng burol. Ito kasi ang lugar na kung saan pede kung ilabas lahat ng nararamdaman ko.Kailangan kong sumagap ng sariwang hangin. Ito ang takbuhan ko simula pa dati pag may problema sa bahay Pagkarating ko dito sa tuktok. Tumigil muna ako, pumukit at ninamnam ang bawat haplos ng hangin sa mukha ko. Pag ginagawa ko kasi to hindi man maubos ang lahat ng bigat na nasa dibdib ko at least mabawasan man lang.

Pagdilat ng mga mata ko, tumingin ako sa malayo. Malaki narin pala ang pinagbago ng farm. Mas lalo pang gumanda. Inisip ko kailan nga ba ang huling punta ko dito? Napabuntong hininga ako nong maalala ko. Nong malaman ni Daddy na niloloko lang siya ni Mommy. I was 15 that time. Ngayon Im 19 pero ganon pa din sila walang pinagbago lageng nagbabangayan. Kaya nong nahuli ko si Kendrick parang bumabalik yung lahat ng sakit kung paano nasira ang pamilya namin. Akala ng mga tao perfect family na kami pero sobrang mali sila. Kasi ang pamilya ko, ang sa tingin kong isa sa mga worst na pamilya. May amang buhos ang atensyon sa negosyo may inang pabaya walang ibang inatupag kundi ang umalis ang bahay. Meron akong kuya pero nawalan na din ng pakialam sakin simula nong mag asawa na. Sa nangyari ngayon hindi ko alam kung san ko ilulugar ang sarili ko. Lahat ng taong mahal ko nawala na lahat. Kaya ito ako ngayon, miserable. Sabi ko hindi nako iiyak. Sabi ko sa sarili ko magiging matapang nako sabi ko sila ang masasaktan doble doble pa. Pero bakit ngayon parang triple pa ang sakit na nararamdaman ko. Wala nakong masandalan. Parang gusto ko ng maglaho para malayo sa mga taong nanakit at bumaliwa sakin.

Pagabi na ng naisipan kong bumaba sa burol. Medyo nabawasan ang bigat ng nararamdaman ko. Naisip ko din na bigyan ng second chance si Kendrick. I know he deserved it. Marami na siyang mabubuting bagay na nagawa para sa akin. Ni minsan hindi niya ako sinukuan kahit lahat ng importanteng tao sa buhay ko e binalewala na ako. Marami na siyang effort for me. I think this is the time para makabawi ako sa kanya. Hindi ko hahayaan na mawala ang masayang pinagsamahan namin sa loob ng dalawang taon dahil lang sa isang pagkakamali. Kung mahal mo daw ang isang tao tanggapin mo siya ng buong buo. Inspite of there imperfections. Yes, nagkamali siya pero sino ba naman ako para ipagkait ang second chance when you know na nag eeffort naman siya talaga wag lang kayo masira ng tuluyan. Almost one week ko din siyang tinikis. Siguro sapat na ang tagal na yun para pag usapan ang dapat pag usapan.

Pagkagaling ko sa Rizal dumiretso nako sa mansyon ng mga Montenegro kung san nakatira ang taong pinakamamahal ko. Handa ko na siyang pakinggan at patawarin. Hindi maalis ang ngiti ko. Ngayon ko lang narealize na miss ko na siya sobra. Kailangan bumawi kami pareho sa isang linggo naming magkalayo. Ito ang unang beses na hindi kami nagkita sa loob ng isang linggo. Ni tawag at text wala. Pero syempre ako lang ang hindi nagparamdam samin.

Nang malapit nako sa Mansyon nila biglang nagring ang phone ko. It was Patricia Marie Ignacio my bestfriend. Maraming ayaw sa kanya kasi wild daw siya masyado. Let's just say na they call here bitch. Pero para sa akin tanggap ko siya kung ano pa siya kasi at least siya totoong tao. Yes, minsan harsh siya magsalita pero yun siya eh. Kaya ko nga siya nagustuhan kasi hindi ka makakarinig sa kanya ng ka plastikan. Kahit ganyan yan protective din yan na kaibigan. Magaling magpayo in a harsh way nga lang. Pero Patricia is Patricia. Hininto ko muna sa tabi ang kotse ko para sagutin ang tawag niya. Alam niya ang ginawa ni Kendrick. Galit na galit siya. Kulang nalang sugurin niya. Knowing her kaya niyang gawin yun. Pinigilan ko lang. Masyado daw akong mabait. Dapat daw hindi ako tumakbo non dapat daw ginulpi ko ang babaeng malandi na yun. Kahit kailan talaga brutal yan eh. Napangiti nalang ako.

PATRICIA : "Where are you ?" Psh di man lang ako hinayaang mag hello.

ME : "Papunta kay Kendrick. Why?

PATRICIA : "Wag kanang tumuloy. Andito ako sa Retro Bar. Puntahan mo ko."

ME : "Bakit nga? Ano bang problema? Sunod nalang ako later. Malapit nako sa Mansyon nila."

PATRICIA : "Shit! Makinig ka sakin Chandra. Hindi mo magugustuhan ang madadatnan mo dun." Bigla akong kinabahan sa sinabi ni Patricia. Bakit? Ano kayang nangyayari dun ngayon? Alam kong hindi maganda yun kasi nagmumura na siya eh.

ME : " Ano bang meron dun Pat? At ayaw mo ko tumuloy. Sabihin mo nga sakin may masama bang nangyari kay Kendrick?" Dinig ko ang pagmumura niya ulit.

PATRICIA : " Masasaktan ka lang pag tumuloy ka. Kaya makinig ka sakin. Kung balak mong makipag bati kay Kendrick. Its to late. He choose that bitch over you. Kaya please Chan. Don't ----." Hindi ko na siya pinatapos mag salita. Pinutol ko na ang tawag niya. Mabilis akong nag drive patungo sa Mansyon ng mga Montenegro. Gusto kong malaman kung ano ang nangyayari dun. Hindi ko maintindihan ang sinabi ni Patricia na he choose that bitch over me. Sino ba kasi ang tinutukoy niya ? Naguguluhan ako. Niloko na naman ba ako ni Kendrick. Sana mali ako ng iniisip, hindi ko kakayanin yun. Ikamamatay ko kung pati siya mawawala pa sakin.

Montenegro Mansion:

Nang makarating ako sa kanila. Nakita kung ang daming tao. Nagtataka ako kaya mabilis akong bumaba sa kotse ko at pumasok sa mansyon. Nakita ko ang dad ni Kendrick na nagsasalita sa Stage.

".....aside sa success ng Montenegro Empire. Meron pa akong napagandang annoucement. Son? " Nakita kung umakyat si Kendrick sa stage. " Siguro hindi na kayo makapag antay . Pero gusto ko lang e announce ang nalalapit na kasal ng panganay ko." Nagulat ako sa sinabi ng dad niya. Si Kendrick magpapakasal kanino? Bigla akong napahawak sa naninikip na dibdib ko. Meron ng namumuong luha sa mata ko na anytime babagsak na. Pero pinipigilan ko lang. Gusto kong marinig pa ang sasabihin ng ama niya."Im sorry for keep you waiting...but Please! help me welcome Ms. Agatha Salazar and soon to be Mrs. Kendrick Montenegro." Kasabay ng palakpakan ng mga tao ay umagos na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Ito yung babaeng nahuli kong kahalikan niya. Gusto kong lamunin nalang ng lupa sa mga oras na yun. Hindi ko ma explain ang sakit na nararamdaman ko. Sobra sobra na. "God ano bang kasalan ko at pinarurusahan niyu ako ng ganito? Hindi pa ba sapat na nasira na ang pamilya ko? Pati ang natitirang kaligayahan ko kinuha nyu pa? Ang lupit mo. Sobrang lupit mo." Patakbo akong umalis sa lugar na yun. Wala akong pakialam kung may nakakabangga man ako. Basta makaalis lang ako sa lugar na yun.

Pagkalabas ko ng mansyon agad akong sumakay sa kotse ko. Pinaghahampas ko ang manibela. "Fvck you all. Magsama sama kayo mga manloloko. Hayop kayo. Go to hell." Wala akong pakialam kung mabilis ang pagpapatakbo ko basta gusto kong makalayo agad sa lugar na yun. "Ang sakit sakit. shit ! Gusto na sana kitang bigyan ng second chance. Pero bakit ganito? Bakit Kendrick? Ahhhhhhhhhh..." Nanlalabo na ang mga mata ko. Halos di ko makita ang daan dahil sa mga luha ko na pakshet ayaw talaga tumigil. Biglang nag vibrate ang phone ko. Gusto ko sanang tingnan kung sino ang tumawag. Pero bigla ko naman nabitawan. Pilit kung kinakapa ang phone kung nabitawan ko. Nangmakapa ko na binaba ko ang tingin ko. Pero ng inangat ko ang tingin ko huli na para iwasan ko ang isang truck na kasalubong ko.

Pinikit ko ng mariin ang mga mata ko. And the next thing nawalan nako ng malay tao.

A/N : Oh its all your fault Kendrick. huhuhu :( Bakit mo sinaktan si Chandra.

Woman In Fierce (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon