special chapter; farewell

753 44 40
                                    

Thunder's POV

Isang yapak ng mga paa ang naririnig ko mula sa loob ng kwartong nadaanan ko. Isang itim na anino ang makikita sa loob kaya napangiti ako at agad itong nilapitan para buksan. Nang mabuksan ay isang malakas na hangin at tahimik na kwarto ang sumalubong sakin. Napalunok ako dahil sa kaba.

"Tom?" Tumingin ako sa gilid ko nang may naaninag nanaman akong isang maitim na anino. Napalunok ulit ako nang makaramdam na ako ng takot. Ang bilis na ng pintig sa dibdib ko at kung pwede lang umiyak ngayon, gagawin ko na.

"To— AAAAH AYOKO NA FCK FCK!!!" Napatakip ako ng tenga nang sumara ang pintuan ng kwarto, "BUKSAN NYO ANG PINTO!!" galit kong utos kaya biglang lumiwanag ang paligid dahil sa ilaw na binuksan ng isang staff.

Agad silang nagtatawanan dahil sa itsura ko ngayon kaya napairap ako at umupo sa isang upuan. Nilapitan ako ni Direk habang napatakip ng bibig sa kakatawa.

"I hate this Direk!" inis kong sabi kaya mas natawa sya lalo.

Pumasok si Snow sa loob kaya agad ko syang nilapitan at sinalubong ng yakap. Nagkunware akong umiiyak habang pinatahan naman nya ako.

"Anong nangyari?" tanong nya kaya gumawa ako ng ingay na mas macoconvince sya sa pagkukunwari ng pagiyak ko.

"Hindi nya talaga kayang maging cast sa isang Horror Movie, Mrs. Rios... Natatawa lang ako" sabi ni Direk at tango naman ako ng tango.

Sa halip na suportahan ako, tinawanan naman ako ni Snow kaya mas lalo akong napasimangot.

"Pasensya na talaga Direk. Lalaking lalaki po ang asawa ko pero hindi nya po talaga kayang maging matapang" sabi nito.

"I already told them it's my weakness!!" Galit kong sabi kaya mas lalong natawa si Direk. Napairap nalang ako at hinawakan ang kamay ni Snow,  "Anyways I think ipapatuloy nalang natin to bukas, Direk. May pupuntahan kasi kami ni Snow eh so bye bye!"

-

"Stormy don't do this please~ I'll give you everything you want just don't leave!" Napangiti ako kay Mommy habang yakap ang bagahe ko dito sa kwarto. Napailing nalang kami ni Dad.

"Mom, akala ko ba napag-usapan na natin to? We already have a house and sooner enough, magkakaruon na kami ng sariling pamilya. It's a bother naman kung mags-stay pa kami dito sa bahay nato" sabi ko pero umiling lang ang napakacute kong Mommy.

"But I don't want to" she's so childish and I have to look at Dad for some help.

"Hey sweetie, let your son go. Matanda na yan, nakapulot pa ng magandang asawa—"

"Tito kailangan pa ba yun?" Pagsingit ni Snow kaya tumawa si Daddy.

"It's daddy for you sweetheart"

"Dad!" I almost forgot Dad was once a playboy kaya coming that from him, parang ang manyak pakinggan lalo na ang Daddy part. Heh, wala paring pinagbago.

"Seriously, you should let him go have his own family Jamie. Hindi na sya yung dating Stormy natin na kailangan pang gisingin sa school at kailangan pang tumawag ng doctor tuwing lalagnatin..." I winced at the memory, "He already have Snow okay?"

At the end, after so many attempts, nakalabas narin si Mommy na kinaladkad ni Daddy papunta sa kwarto nila. Tinulungan naman ako ni Snow na ayusin yung kwarto ko before kami umalis. Nang matapos ay lumabas muna sya para kumuha ng tubig habang lumabas naman ako sa balkonahe ko para umupo sa isang folding bed duon. Napatingin ako sa katapat na balkonahe at napatitig lamang sa madilim na kwarto na dati ay palaging nakabukas ang ilaw at makikita ang maitim na anino na palaging naglalaro ng computer games. I missed him so much. So much na kahit matatakutin akong tao, gusto kong magparamdam sya sakin.

[✔] BOOK II : The Love CollidesWhere stories live. Discover now