chapter 13 - PA

856 46 24
                                    

Snow's POV

"Anong iniisip mo jan?" Tanong ni Ceijan sakin habang tinitingnan ko syang kinakain yung mansanas na binigay ko sakanya.

"May iba pa bang paraan para makaalis ka dito?" Tanong ko sakanya.

"Gusto mo ba akong tumakas?" Tanong nya at ngumisi.

Binatukan ko naman sya, "Gusto ko makalabas ka, hindi tumakas ka!"

"Nababagot na ako dito eh. Walang kwenta yung mga kasamahan ko. Mga weak" sabi pa nya.

"Weak ka jan. Sa laki ng mga katawan non?" Tanong ko.

"Oo weak! Ang laki nga ng mga katawan, mga alalay naman sa leader-leaderan doon" sabi nya at lalo pang ngumisi.

"Anong leader-leaderan?" Tanong ko.

"Ang angas kasi, pinatulan ko na. Yun bang akala nila nakahanap nanaman sila ng taga-silbi pero ang kakapal ng mga mukha... ako pa ang binangga" sagot nya.

"Uso pa yan hanggang ngayon?" Tanong ko.

"Palagi yan ganun eh. Pag matindi daw ang kasalanan, doon ilalagay. Hindi naman masyadong malaki yung kasalanang naggawa ko eh" sabi nya.

"Eh sino bang matino ang nanununtok ng tao. At ang mas worst, isang artista! Timang ka ba?" Sinamaan lang nya ako ng tingin at umirap. Umirap din ako pabalik.

"Nagkita kayo?" Tanong nya. Andilim nanaman ng awra nya kaya nanlumo ako.

"H-Hindi.." Sagot ko at bumuga ng hangin, "Gustong gusto talaga kitang ilabas dito Ceij eh kung kaya ko" pagiiba ko ng storya.

"Ako naman, kaya kong lumabas dito pero ewan ko nalang kung papayagan mo ako" tinapakan ko ang paa nya sa ibaba ng mesa kaya agad nyang pinatong ang mga paa nya sa upuan.

"Hindi talaga!" Sabi ko.

Kumuha sya ng sigarilyo at sinindihan ito. Napasimangot nalang ako at hindi na pumalag. Ako yung bumili eh at bakit ko pa pipigilan? Bumili pa ako.

Atsaka kawawa rin naman kasi kung hindi ko sya bibilhan nun. Binigyan ko rin sya ng limit para hindi sya madalas maninigarilyo.

"Okay ka lang?" Tanong nya kaya kunot-noo ko syang tiningnan.

"Iba kasi yung nararamdaman ko eh" simula nung nagkita kami ni Thunder.

"Hmm?"

"Para bang may kulang sakin... Pero hindi ko alam kung sino" sabi ko at ngumuso pagkatapos.

"Kulang? Ako ba?" Ngumisi sya.

Sya ba talaga ang kulang? But I'm torn between Ceijan and Thunder.  Simula nung nakulong si Ceijan at nagkita kami ni Thunder, dun nagsimula ang pakiramdam na parang may kulang. Para bang may pinili akong choices na dapat ay yung pangalawang option ang dapat kong pinili.

Parang ganun....

3 months ago...

"I'm sorry pero hindi ako ang may hawak ng kaso" sabi nya bago ako hilain patayo sa pagkaluhod ko sa lupa.

"P-po?"

"Hindi ako ang may hawak kaya hindi ko sya mailabas. Kung pera man ang kailangan, makakatulong pa ako" sabi nya. Mukhang hesitant syang tingnan at hindi sya mapakali. Hindi ko nalang yun pinansin.

"Gagawin ko po lahat sir Thunder" sabi ko.

"Kaya mo bang manilbihan sakin sa siyudad? Magtrabaho sakin para mabigyan kita ng sweldo mo?" Tanong nya at diniin ang ibang mga salita sa pangungusap nya, "Go? Or think?"

[✔] BOOK II : The Love CollidesWhere stories live. Discover now