chapter 34 - missing

615 47 29
                                    


Warning: violence

Rain's POV

"Gising na jan" naglabas ako ng hininga pagkatapos niyang kunin ang telang nakabalot sa buong ulo ko. Nagising nalang ako, wala na akong makita at hindi na ako makahinga.

"Huy, alam mo ba kung nasaan ka?" tanong ng lalaking amoy usok habang nakapatong ang kamay sa tuhod nya para yumuko sakin na nakaupo sa sahig. Bumilis ang paghinga ko nang hindi na ako makaamoy pa ng sariwang hangin sa paligid. Kung hindi usok, mga alak naman ang naaamoy ko.

"Kung may kailangan ka, sabihin mo na" sabi ko pero binato lang ako nito ng sapatos sa mukha. Hindi ko naman maggawang alisin ang dumi sa mukha ko dahil sa nakagapos kong mga kamay sa likod. Napalunok nalang ako atsaka yumuko.

I'm not familiar with kidnapping and such but this is just so terrifying. I never thought na isa sa mga kinakatakutan kong bagay ay mangyayari pala sakin.

But why me? Hindi naman ako masyadong mayaman para hingian nila ng pera diba?

"Tinatanong kita kung alam mo ba kung nasaan ka" malalim na sabi ng siga na lalaki habang tinutusok ang ulo ko gamit ang isang stick na ewan ko kung saan nya kinuha.

"H-Hindi ko alam" sagot ko kahit gusto ko sabihing "Ikaw nagdala sakin dito tapos tatanungin mo ko" pero no...

Wag itrigger ang isang kidnapper.

"Nasa kamatayan ka na" tawa nito at sinipa ang dibdib ko para idikit ang likod ko sa pader. Napadaing ako sa sakit at napakagat ng labi.

"Ano ba kailangan mo?" tanong ko pero sa halip na sumagot ay sinipa nya ulit ang dibdib ko.

"Hindi ko na yan sasagutin pa" sabi nya at lumakad papunta sa isang lamesa na sigurado akong may nakapatong na gamit doon. Napatingin ako sa paligid pero liwanag lamang mula sa maliit na butas ang tanging nakikita ko.

"Kilala mo ba si Sunny?" nabaling ang atensyon ko sakanya nang banggitin sya si Sunny sa tanong nya. Tumingin sya sakin at ngumisi tsaka tinuro ang ulo nya, "BANG! Headshot na yun" sabi nya at kiniling ang ulo nya habang nakatawa.

Nanlaki naman ang mga mata ko habang hindi parin umaalis ang tingin ko sakanya.

"What did you do!? Ano ba talaga pakay mo!?" Sigaw ko at lumuhod para gumapang papunta sakanya, "Bakit?! Anong ginawa mo!?"

"Patay na yun" ang tanging sagot nya bago ako lapitan at itulak ulit sa pader. Napasandal naman ako habang tiningnan syang iniikot ang isang latigo sakanyang kamay. Napatawa naman sya, "Kaya ikaw naman ang susunod"

Hinila nya ang damit ko para punitin at idapa ako sa sahig. Bumilis naman ang tibok ng puso ko dahil sa kaba.

"Pasensya na kung ako lang mag-isang nagtatrabaho. Malaki ang kita eh kaya sosolohin ko na"

Napasigaw ako nang dumapo ang unang hampas ng latigo sa likod ko. Bago pa ako mamilipit sa sakit ay sinundan nya ulit ng pangalawang hampas. Napahikbi ako nang matamaan nya ng unang hampas nya. Sunod-sunod na paglalatigo lamang ang ginawa nya habang namamaos na ako dahil sa kakasigaw ko.

"T-tam— aAAAA na pleas— AH!!" napayukom ako ng kamao at binaon ang namamawis kong mukha sa sahig.

Nang hindi na ulit ako makagalaw pa ay tumigil na sya sakanyang ginagawa at naglabas ng isang cellphone tsaka tinapat sa katawan ko.

"Nice one" tawa nya bago umalis para lumabas ng silid. Napaiyak nalang ako habang nanginginig na ako sa kirot na naramdaman ko mula sa likod ko.

I can barely breath to the point na gusto ko nang mamatay agad para mawala lahat ng sakit na naramdaman ko. Pero wala na akong maggawa pa kundi ang tiisin nalang ang hapdi ng bawat sugat na binigay ng halimaw sakin.

[✔] BOOK II : The Love CollidesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon