chapter 39 - the truth

634 40 54
                                    

Thunder's POV

Tumingin ako sa paligid pagkatapos nyang ihinto ang motor. Agad akong bumaba at sumunod naman sya. Tahol ulit ng mga aso ang unang bumungad samin.

"Alice! Josh!" pagtawag ni Snow sa loob. Agad namang lumabas ng bahay si Alice na may dalang balde. Nang makita nya kami ay agad nya yung nilapag sa sahig at pumunta samin para pagbuksan kami. Pumasok naman kami tsaka umupo sa sofa.

"Anong nangyayari?" tanong ni Alice at tumingin sakin, "Diba concert mo ngayon?" I nodded, still in faze from the incident.

"May nagpabomba sa concert ni Thunder...."

"Bomba?" tanong ni Alice tsaka umupo sa couch na kaharap ang ng soda.

"Alice...." tawag ko at malamig syang tiningnan, "Kayo ang nagsabi sakin na may tao sa loob ng kabaong ni Ceijan ngunit walang nakakaalam nun bukod sainyo. May kinalaman ba kayo nito?" tanong ko at tinitigan nya lang ko. Umiwas sya ng tingin at pinaglaruan ang mga kamay nya.

"Sya ba ang may gawa ng pagbomba sa concert mo?" tanong nya kaya nabigla naman ako.

"P-Pano mo nalaman?" tanong ni Snow.

Tumingin naman si Alice dito at ngumiti.

"Dahil kilala nila kung sino ako"

Agad kaming nanlamig sa kinauupuan namin nang marinig namin ng boses nya. Rinig ko ang yapak nya papunta samin hanggang sa nakatayo na sya sa harapan namin, bitbit ang isang baril. Tuminghala ako at napatingin naman sya sakin. Kasama nya si Josh na hinila si Alice patayo ng couch.

"I'm sorry" she mouthed before sya umalis para pumunta ng kwarto. Napatingin ulit ako sa pekeng Ceijan na nakangisi na ngayon sakin.

Tumawa sya bigla at hinila si Snow patayo atsaka niyakap ito. Nagulat naman ako habang nakatingin sakanila.

"Ang galing galing naman ng Snow ko! Akalain mo yun? Nailigtas ka pa!!" tawa nya habang pinagpupukpok ng mahina ang noo ni Snow gamit ang dulo ng baril nito. Napapikit nalang si Snow habang nakayuko.

"C-Ceij—"

"Akala ko ba alam mo na na hindi ako si Ceijan? Ah! Dahil minulto ka na ba?" tumawa sya ulit at kinasa ang baril nya. Napalunok naman ako nang iangat nya ako patayo tsaka tinutok sa noo ko ang baril nya.

"Ceijan, wag please" sabi ni Snow pero nakatitig parin kami sa isa't isa. Yung aura nya, ang pananalita nya at kung pano nya ako tingnan.... napakapamilyar.

Biglang pumasok sa loob ng bahay ang nakaitim na babae at nang magtama ang mga mata namin, agad akong nagulat.

"Y-Yoah?" pagbanggit ko sa pangalan nya. Gulat nya rin kaming tiningnan.

"WHAT ARE YOU DOING, F—"

Napasinghap ako nang walang pagdadalawang isip na barilin ni Ceijan si Yoah kahit hindi sya nakatingin dito. Natamaan naman si Yoah sa dibdib nya at agad na natumba.

"You can't just mention my name anytime you fucking bitch" malamig nyang sabi at tinulak ako paupo sa sofa. Lumingon sya kay Yoah at kinasa ulit ng baril nya.

"Ilang taon na yang naghintay sayo Thunder... but unfortunately, namatay din naman" tawa nya at umupo sa dating kinauupuan ni Alice, "Just sit and relax then let me entertain you some answers kung may tanong man kayo" sabi nya at inekis ang hita nya tsaka tinitigan kami.

"Sino ka ba talaga?" tanong ni Snow habang unti-unting lumapit sakin para hawakan ng kamay ko. Hinawakan ko rin ang kamay nya pabalik at huminga ng malalim.

"Now I'm hurt Snow~ How can you not know me?" sabi nito habang nakangisi pa.

"Binura mo halos lahat ng ala-ala ko! Nagpanggap ka bilang si Ceijan!! Ano bang pakay mo?!"

[✔] BOOK II : The Love CollidesWhere stories live. Discover now