chapter 6 - secret

907 44 5
                                    


Snow's POV

"This is getting worst Ceijan, ilipat mo na sya ng hospital! Do you think na mas makakabuti ito sa kaibigan mo?" Naalimpungatan ako sa isang malalim na boses pero nanatili paring pikit ang mga mata ko.

"I don't want her to go back"

"But come to think of it Ceijan! Hindi madaling magkaruon ng hippocampal damage ang isang tao which is also a problem dahil mas malaki ang naging damage ng hippocampus nya sa brain. The hospital here in this province can't treat her well... Kailangan nyang bumalik sa syud-"

"Dad! You're a good doctor, hindi mo po ba talaga kaya?"

Dad? May tatay si Ceijan dito sa probinsya?

"You can tell that I am good but I'm not the best Ceijan. I'm a city doctor. I can treat her well in our City. Son listen, I know the reason why you can't go back... But iniisip mo rin ba ang possibilities kapag mags-stay ka dito? Snow might suffer more.. Kaya mo ba syang makitang ganyan?"

The room fills with silence. Hindi ko na talaga kaya pang makinig kaya napamulat ako ng mata at dalawang pigura ng lalaki ang unang bumungad sa paningin ko. Tumingin ako sa ceiling para hindi nila mapansin na gising na ako.

"I'll think about it"

Agad akong napabangon kaya napatingin si Ceijan sakin na nanlulumo. Lumapit sya saakin at tinulungan akong alisin ang kumot ng hospital.

"Umuwi na tayo" sabi nya at hinila ako patayo.

"Ceijan.."

Hindi nya ako sinagot kaya nagpadala nalang ako sa hila nya.

-

Nakatingin lang ako sakanya habang inihain nya ang niluto nyang pagkain sa mesa. Gusto kong itanong lahat ng mga gusto kong itanong sakanya. Kung ano ba talaga ang dahilan ng lahat ng ito, kung bakit nandito ako ngayon at kung bakit ayaw nya akong iuwi sa siyudad namin.

Kahit naging kasama ko na to si Ceijan palagi, hindi ko parin maintindihan ang ugali nito pati yung mga kilos at kung pano sya makikipagusap. Para bang nasa akin nakaikot ang mundo nya- hindi sa nag-aassume pero feeling ko lang naman.

Bakit hindi? Parang yung mga responsibilidad nya, napunta lahat saakin. Nihindi nya maenjoy ang buhay nya sa iba't ibang bagay dahil palaging nakabantay sakin. Kung makikipagusap naman sa iba, parang may atraso yung tao sakanya. Parang timang. Naiirita na ako minsan dahil hindi ko na talaga sya kayang intindihin.

Robot kaya to tapos pinabantay sya ni Lord sakin? Maniniwala nga sana ako na guardian angel ko sya pero sa mukha lang.... walang-wala sa ugali.

Pero kahit ganyan yan, masasabi kong napakaimportante nyang tao. Parang binigay talaga sya ni Lord sakin para protektahan ako. Isang klaseng tao na kahit ang pangit ng ugali, may tinatagong care sa loob. Ang cute no?

"Hindi ko alam kung anong mangyayari sakin pag wala ka" nakangiting sabi ko habang nakatitig sa mukha nyang nakabusangot parin. Tumingin sya sakin habang dahan-dahang napanguso.

"Manahimik ka nga" sagot nya.

"Mananahimik lang ako pag may sagot ka na sa tanong ko" sabi ko sakanya.

"Oh? Ano ba tanong mo?" Umupo sya sa harapan ko para simulang kainin ang nilagay nyang pagkain sa plato nya.

Wait... Ibig sabihin ba nito, pwede akong magtanong ng kahit ano sakanya? Lahat kaya ng tanong ko ay masasagot nya?

"Okay... Ano ang totoo mong buong pangalan?" Tanong ko sakanya at tiningnan nya ako na nakakunot ang noo. Kunti nalang hindi ko na makita ang mga mata nya.

[✔] BOOK II : The Love CollidesWhere stories live. Discover now