chapter 29 - daddy

900 45 60
                                    


(Ang kinky ng title hahaha charot)

Sunny's POV

"Mint naman!" Umirap ako habang tiningnan syang nakaupo sa pinakasulok ng kwarto na binigay ko sakanya— yung dating kwarto ni ate.

"Don't talk to me. Hayaan mo lang ako dito" sabi nya habang nakayakap pa sa tuhod nya. Para syang pinaligiran ng maitim na aura sa paligid nya.

(Naalala ko lang si Tamaki at mga emo moments nya dahil qt qt ng bibi ko 😢)

"It's not your fault"

"IT'S MINE! Sorry talaga. I just don't know anything"

"Exactly! So no need to blame yourself. You act like a child here" I scolded, "I know it's wrong for me to keep our secret pero tama ka rin naman. Dapat nung maaga pa, sinabi na namin kay Cloud. The problem is... hindi ko alam kung kailan. I don't have time din and also, Cloud trusted Rain so much at kapag sasabihin ko sakanyang Daddy nya si Cloud, baka magfreak out yun" sabi ko at nanlumo sa kadagdagan ng problemang napunta sakin. Lord bakit stressful ako masyado ngayon!? Ayoko pang magkawrinkles.

"I understand... But I still think you have to tell Cloud eh. You mentioned earlier na gustong-gusto ni Cloud si Rain bilang teacher nya so therefore, it would be easy for her to adjust" sabi nya kaya lalo akong nanlumo. The truth is... naduduwag talaga ako. Hindi ko alam kung saan. Kay Irithel? Tsk, why would I? Wala naman akong pakialam sa babaeng yun... Then who? Kay Yvan?

Yvan.... He's been Rain's friend since elementary kaya I'm sure protective yung isang bakla sa kaibigan nya. Yvan witnessed everything... According to Cara, Rain's been depressed since I left kaya syempre sino bang dapat sisihin? Malamang ako. Nakakatakot din tong si Yvan eh. Bukod sa bakla at prangka magsalita, matalino rin yun at walang kinakampihan kahit ako man yan o kaibigan nya. Kapag mali ng isang tao, mali talaga yun.

But I don't think naman na galit yung si Yvan sakin since he knew about Cloud na.

Publicity? Well I don't really care about fame and public.

Duwag ka lang talaga Sunny.

"Just forget it... I'm tired" sabi ni Mint at umupo pabalik sa kama nya, "Ah! Sunny... I already talked to a lawyer. The divorce paper will be released at I dunno when pero inaasikaso na nya lahat-lahat. After that, I'll help you tell Tito Eric about it" 

"Then, hindi na ako magiging pabigat sayo! Seriously Mint, ang laki laki na ng naitulong mo sakin. Even a single bit of help, wala akong naggawa sayo" sabi ko.

"Your happiness. Cloud's happiness. That's my happiness too" sabi nya at ngumiti, "Wag kang mag-aalala. Pag ako magkakalovelife, who you ka sakin!"

"Hinahamon mo ko!?" Natatawang sabi ko sakanya.

"Joke lang! Alam ko namang malas ako sa lovelife eh" sabi nya at nagkunwaring umiyak.

"Wag kasing trabaho ng trabaho. Pag ikaw hindi magkakaruon ng asawa, ilalagay na kita sa kumbento! Pero I'm sure madali lang sayo yan. I'm sure makakahanap karin. OMG excited na ako!" Sabi ko at iniimagine pa ang mga babaeng bagay na bagay sa taste ni Mint.

"Gusto ko yung mas matangkad sayo" sabi nya kaya sinapak ko sya.

"Ewan ko sayo" tumawa lang sya kaya tumayo na ako at nagpaalam na. Sininyasan naman nya ako na umalis kaya agad akong lumayas ng kwarto.

Pumunta muna ako sa kwarto ni Cloud at nakita syang natutulog na sa kama nya. She kept on asking us kanina before kami umalis and even a single word, wala akong naisagot. Nagtampo naman sya sakin dahil sa pags-snob ko sakanya. I'm such a terrible mother.

[✔] BOOK II : The Love CollidesWhere stories live. Discover now