chapter 40 - saved

853 55 49
                                    

Yvan's POV

Tumingin ako kay Melody habang paulit-ulit nalang syang naglalakad pakanan at pakaliwa. Pati ako nahihilo na sa ginagawa nya kaya tumingin nalang ako sa ceiling ng hospital habang hinihintay syang magsalita.

"Hindi sumasagot si Cara" sabi nya kaya napabuntong hininga ulit ako. Tumayo ako at ininda ang sakit sa likod ko tsaka kinuha ang kutsilyong ginamit ni Melody sa paghiwa ng mansanas para sakin. Binulsa ko yun sa hospital gown ko atsaka tumingin sakanya.

"Mag-c-cr lang ako" pagpaalam ko tsaka pumunta sa banyo ng kwarto. Tinanggal ko lahat ng nakasaksak sakin na karayum at tumapak sa bowl para buksan ang bintana. Isang terrace ang makikita sa ibaba habang may hagdan naman sa gilid. Inalis ko ang takip ng bintana tsaka kinasya ang katawan ko sa hugis parisukat na bintana. Kumapit ako sa isang kable na naaabot ng kamay ko at agad na napakapit sa hagdan. Bumaba ako papunta sa terrace tsaka bumaba sa isa pang hagdan.

Nang makarating ako sa baba ay agad akong tumakbo papunta sa isang kotse para magtago. Tumingin tingin ako sa likod ko, baka sakaling may makakita sakin. Nang makitang malinis ang lugar sa harapan ng gusali ay tinakbo ko na ang kalsadang palabas ng kanto.

-

Wala pang isang oras akong naglakbay patungo sa kompanya ni Sir Ramon kung saan sigurado akong dito ang punta ni Mintelle. Kinapa ko ang patalim sa bulsa ng damit ko tsaka dahan-dahang tumakbo papunta sa parking area ng gusali. Nanduon ang guard na palaging nagbabantay ng parking area kaya mas dinahan-dahan ko pa ang sarili ko sa paglalakad patungo sa sasakyan ni Mint. Iniwasan ko rin ang daan kung saan makikita ng CCTV tsaka nagtago muna saglit sa gilid ng kotse ni Mintelle. Huminga ako ng malalim bago tumayo at basagin ang bintana gamit ang siko ko. Nang makuha ko ang atensyon ng guard ay agad ko itong binuksan atsaka pumasok. The last time na sinakay ako ni Mint dito ay may duplicate key sya sa ilalim ng carpet. Matalino nga, tanga naman. Inis kong pinaandar ang kotse at pinatakbo ito palabas ng building.

Nang makalayo na ako ay agad kong binuksan ang iPad na nakaattach sa kotse kung saan makakatrack ng mga location sa mga previous na pinuntahan mong lugar. Technology indeed.

Nang dumerekta ang arrow sa isang lugar na malapit lang sa kung saan ako ngayon ay agad ko itong sinundan. Nang mapamilyaran ko ang daan, alam kong papunta ako sa school ni Cloud... ang school ko.

Huminto ako at humanap ulit ng mga recent places nya kaya agad ko ulit yung sinundan.

Kung pumunta si Mint sa school namin, isa lang ang ibig sabihin nun... nasakanya na si Cloud. Umigting ang panga ko nang sumagi sa utak ko si Rain.

Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag hindi ko mailigtas si Rain, Sunny at si Cloud.

Before summer and after the graduation, nilapitan ako ni Mint para sabihing aalis ng bansa si Sunny. Hindi nya kayang sabihin ito kay Rain dahil masasaktan lang ang kaibigan ko pag nalaman nya ang tungkol dito. Tinago ko na lamang ang tungkol doon at nagpakapipi.

Hanggang sa sinabihan ako ni Mint na itago si Rain mula kay Sunny nung bumalik ito ng bansa, doon na ako nagtaka. Gayunpaman, wala narin akong maggawa kundi ang sumunod. Ang tanging gusto ko lang din namang mangyari noon ay ang ilayo si Rain sa sakit na dinulot ni Sunny sakanya noon. Akala ko nung magkita sila ay babalik nanaman ang pagiging depress ni Rain pero hindi.... mas lalong sumaya si Rain especially when he knew about having a child with Sunny.

And then I stopped doing Mint's orders. Akala ko okay na lahat at bumalik na lahat sa dati but then he told me one time nung umuwi sya dito sa bansa.

"I'll give you some time to do your job Yvan... I'm looking forward to it"

[✔] BOOK II : The Love CollidesWhere stories live. Discover now