chapter 10 - almost

805 60 38
                                    


Snow's POV

Hindi ko na chinika kay Ceijan na crush ko si Thunder Rios. Tsk, the last time na sinabi kong crush ko si Vince, hindi na nya ito pinansin pa. Kainis, bawal na ba akong ma-fall?

Di kaya asawa ko talaga si Ceijan noon? Oh my gosh!

Gusto kong alahanin pero ayoko ulit mahimatay. Sakit sa ulo nanaman.

"Anong iniisip mo jan?" Tanong ni Vince sakin habang nakaupo sa sandalan ng sofa nila. Oo, weird na kung weird pero kahit saang lugar talaga sya nakaupo. Kahit nga siguro sa tuktok ng cabinet nila eh. Pinaglihi siguro sa unggoy.

"Iniisip ko kung bakit nakaupo ka jan eh may sofa naman?" Tanong ko at bigla naman syang tumawa ng malakas. Umirap naman ako at pinatong ang mga paa ko sa sofa.

"Di ka na nasanay" sabi nya at umupo naman sa tabi ko.

"Sorry kung nandito nanaman ulit ako sa bahay mo. Nasaan ba kapatid mo?" Tanong ko at sinilip ang lugar kung saan ang huling punta ni Brits.

"Okay lang, ano ka ba. Atsaka inaalagaan nya yung Mama ko sa kwarto" ah tama nga pala. May sakit nga pala si Aling Vivian, kawawa nga tong si Vince eh. Wala na silang Tatay kaya sya na ang nagtataguyod ng pamilya nila.

"Nakakamiss magkaruon ng pamilya lalo na yung may kapatid. Parang kahapon ko nga lang sila nakita eh tapos ngayon, wala sila" sabi nya.

"Gusto mong malaman kung saan kita unang nakita?" Nakangiti nyang tanong kaya napapangiti na rin ako. Ito na yung gusto kong malamang sagot na hindi maibigay ni Ceijan sakin.

"Sabihin mo sakin please..."

Huminga muna sya ng malalim bago tumitig sa TV nila.

" Umuulan noon nung may humintong tricycle sa harap ng bahay namin. Lumabas kami ni Brits noon para silipin yung tricycle dahil sigaw ng sigaw ang driver doon. Yun pala, dalawang bangkay ang dala nito.

"Vince! Tulungan mo ako! Mamamatay na sila!"

Siguro maswerteng tao si Ceijan dahil nagulat ako nung nagising nalang sya bigla kahit duguan na sya. Ikaw ang una nyang hinanap at kahit masyado na syang mahina, kinarga ka nya sa braso nya. Wala akong maggawa nun kundi ang tingnan syang ilakad ka sa lumang bahay na hindi na tinirhan pa.

Pumunta ako doon para asikasuhin kayo pero ang unang tanong lamang ni Ceijan ay kung nasaan ang hospital.

"Please, tell me kung nasaan ang hospital dito! Take me there!" Sigaw nya kaya napaatras ako.

Duguan sya, marami syang pasa at hindi ko na ata makita pa ang mukha nya dahil sa putik na tumakip dito. Pero kahit nanghihina na sya, gusto nyang ipapahospital ka dahil nasa 50/50 na ang buhay mo. "

"Kaya ba napunta ako sa hospital then nabuhay pagkatapos?"

"Hindi" sagot nya kaya kumunot ang noo ko sakanya.

"Huh?"

"Tatlong taon kang hindi nabuhay muli Snow"

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Vince. Unti-unti akong nanginginig at hindi ko mapigilang bumuga ng hangin.

"Tatlong taon?" Gulat kong ulit.

"Hindi mo alam? Nagkaamnesia ka dahil sa isang aksidente" sabi nya dahilan ng paglaki lalo ng mga mata ko.

Alam kong nagkaamnesia ako pero hindi ko alam na kasali pala si Ceijan sa aksidente noon.

Pero paano kami naaksidente noon?

[✔] BOOK II : The Love CollidesNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ