chapter 38 - bombing

542 38 12
                                    

Snow's POV

Napamura nalang ako sa isip ko nang malowbat ang phone ni Rafael bago ko masabi kahapon kay Thunder ang tungkol sa bomba. Mas lalo kong binilisan ang pagtakbo ng motor hanggang sa nakita ko na ang malaking coliseum na kung saan nagaganap ang concert ni Thunder. Nang makarating ako ay nilagay ko muna ang motor ko sa gilid at lumapit sa entrance. Agad akong pinigilan ng isang military kaya napakunot ang noo ko.

"Ticket mo" sabi nito kaya napaatras ko. Ang daming security sa paligid kaya ang hirap makalusot. Napalunok nalang ako habang naluluhang tiningnan ang military, "Ganyan ka na ba kadesperada makita ang Thunder mo HAHAHAHAHAHA" Sabi ng isa pang guard kaya napayukom ako ng kamao. Sana mabombahan sana sila sa mukha.

"K-Kailangan—" hindi ko rin naman pwedeng sabihin na kailangan kong itigil ang concert dahil may mga bomba sa loob. At kung titingnan, maraming security ang pakalat-kalat ngayon kaya posibleng hindi makakapasok si Ceijan para ilagay ang bomba kung saan man.

"Papasukin mo sya" natinag ako sa pamilyar na boses sa likod ko.

"Sir Thunder! Anong ginagawa nyo dito?" sabi naman ng guard.

"May tiningnan lang ako so please excuse us... Nagmamadali kami" sabi nya at hinila ako papasok. Binawi naman ni Rafael ang helmet ko tsaka sinuot sa ulo nya.

"Anong ginagawa mo dito!?" bulong ko pero hindi nya ako sinagot. Tiningnan ko naman ang braso nya pero hindi ko makita ang sugat nya dahil nakajacket sya.

"Tumakas ako kina Vince para iassist ka dito. Sina Kuya Roro at Tonio ang tumulong kay Ceijan na pabombahin ang concert na to" bulong nya kaya nagulat ako.

"Bakit naman nila gagawin yun?" tanong ko.

"Wag mo munang aalahanin yan. Iligtas mo muna si Thunder" sabi nya at hinila ako papunta sa backstage.

Inalis nya ang helmet sa ulo nya at nagpanggap na sya si Thunder. Nang makarating kami sa dressing room ay agad ko itong binuksan pero wala nang tao doon. Tumunog ang speaker sa labas kaya I assume na nagsisimula na sila. Nagkatinginan kami ni Rafael.

"Ayun sya!!" rinig naming sigaw ng boses ng babae. Nanlaki naman ang mga mata namin, "Sigurado akong impostor yan!"

"Pero si Thunder yan miss" sabi naman ng isang military.

Napaatras ako at napahawak sa isang matigas na bagay. Agad ko itong tiningnan pero nakabalot ito ng tela. Inangat ko ang tela at mga pulang numero ang bumungad sakin. Isang timer sa isang bomba.

00:10:34:02

"10 minutes nalang" bulong ko kay Rafael.

"Eh kasi sir! Kakablonde ko lang kay Thunder kanina!!!" reklamo pa ng isang staff.

"Mga sir... M-May bomba po sa lugar na ito" napatingin silang lahat sakin nang iangat ko ang tela para makita nila ang bomba, "Kaya please po kung maaari, paalisin nyo ang lahat ng mga tao ngayon din!!"

Gulat naman silang napatingin sa bomba at agad na nagsinalisan para magsalita sa hawak nilang bagay na nakakonektado sa ibang military.

Hinila naman ako ni Rafael paalis ng backstage tsaka dumeretso sa kung saan sumasayaw na sila ngayon kasali na si Thunder.

Tumakbo kami sa harap ng VIP seats kaya pinagtitinginan kami ng mga taong nakaupo doon.

"Si Thunder ba yan?"

"Kamukha ni Thunder?"

"Sino yan?"

"THUNDER!!" sigaw ko pero humalo lang iyun sa tilian ng mga tao sa loob ng coliseum. Napatingin ako sa paligid at mas lumapit pa sa stage kahit nandun ang ibang mga staffs. Nakita nila ako at agad na hinila paalis pero agad ko silang pinagtutulak. Isang maliit na pulang bilog ang nakita ko sa mukha ni Thunder nang tumayo sya para kumanta. Hindi nya parin ako napansin at mas lalong hindi nya yun napansin kaya tinulak ko na ng tuluyan ang staff na pumigil sakin at tumakbo paakyat ng stage. Agad naman syang napatigil sa pagkanta nang makita nya ako pero hindi ko na sya pinapasalita pa at agad na tinulak pahiga. Kasabay ng pagtumba namin ay ang pagtama ng bala sa sahig ng stage. Napatingin kami dito bago tumingin sa isa't isa.

"Umalis na tayo dito" sabi ko at hinila sya patayo. Biglang nagpanic lahat ng mga tao dahil sunod-sunod na ang mga balang nakasadya saamin. Nang makapasok kami sa backstage ay lumingon ako para tingnan kung nakasunod ba si Rafael pero hindi ko sya makita.

"Si Rafael..." bulong ko kaya tiningnan ako ni Thunder.

"Hahanapin ko sya kaya tumakas ka na" sabi nya pero agad ko syang pinigilan.

"Anong pinagsasabi mo?!" sabi ko at hinila sya.

"Si Rafael! Kailangan ko syang mahanap!" sigaw nya pero hindi ko parin sya binitawan.

Nang maalala ko ang oras ng bomba ay agad ko na syang hinila papunta sa exit. Tumakbo kami sa isang hallway hanggang sa matanaw na namin ang isang exit. Agad ko yung binuksan at tuluyan na kaming lumabas.

"Sina Grey, Calel, Damien, Kail, William, Bane—" nataranta nyang sabi pero nagpatuloy parin kami sa pagtakbo. Tinulak ko sya papunta sa motor at hinawakan ang pisngi nya para pakalmahin sya.

"Aalis tayo dito. Sigurado akong safe sila kaya tara na" sabi ko at umangkas sa motor. Umangkas naman sya sa likod ko kaya agad kong pinaandar ang motor. Nang makalayo na kami, rinig naman namin ang tuloy tuloy na pagsabog mula sa coliseum. Naramdaman ko naman ang kapit ni Thunder sakin kaya hinawakan ko ang kamay nya gamit ang isa kong kamay.

Rafael's POV

Nang matapos na ang pagsabog ay napamulat ako ng mga mata. Umalis ako sa pagkakadapa ko sa ilalim ng isang sasakyan para silipin ang concert hall. Napasinghap nalang ako nang makitang wasak ang dating malaking gusali. Nang hindi ko makita sa paningin ko sina Thunder at Snow, nagsimula akong maghanap ng mga buhay na tao. May ibang nakaligtas pero ang iba naman, nasa loob parin ng gusali.

Pumasok ako sa loob para silipin ang kalagayan nito. Pumunta ako ng backstage at nakitang natabunan na halos lahat ng tao doon ng semento at bubong.

"Bane? BANE?" tawag ko at dahan-dahang inalis ang semento sa mga natabunang tao.

"KUYA GREY!" sigaw ko nang makita ko syang nakahiga sa ilalim ng mesa kasama ang ibang mga lalaki. Inalis ko ang semento na dumagan sa mga katawan nila at hinila sila paalis doon. Pinahiga ko muna si Kuya Grey bago kunin paalis ang iba sa ilalim ng mesa.

Ginising ko si Kuya Grey hanggang sa binuksan nya ang kanyang mga mata. Napangiti ako.

"Thunder?"

"Si Rafael po ito" sabi ko at inalayan syang umupo. Umubo naman sya at hinagod ang binti nya.

"What just happened?" namamaos nyang tanong habang nakatingin sa paligid. Tiningnan nya ang mga kasama nya, "Calel! Kail! Damien!"

"Bane?" tawag ko nang makita syang nakadapa sa ilalim ng semento. Agad ko itong tinulak paalis at hinatak sya palapit sakin. Pinahiga ko sya sa gilid ng ibang kasamahan ni Kuya Grey.

Nakita ko namang may tinawagan sa phone si Kuya Grey kaya hinintay ko sya.

"I'm okay babe. Just a little help here. Thank you, I'm okay really"

Tumingin sya sakin pabalik at ngumiti.

"Thank you so much Rafael" sabi nya pero umiling lang ako.

"Wala po yun, atleast may naitulong" sagot ko naman at ngumiti sakanya.

Sana nga okay lang sila Snow at Thunder.

-

Nabobother ako kung saan ko nilagay si William lol.

[✔] BOOK II : The Love CollidesWhere stories live. Discover now