chapter 8 - smile

892 41 32
                                    


Thunder's POV

Tinulungan ako ni Manager na ilagay sa kotse ko ang mga bagahe ko papuntang province. Before akong pumunta sa meeting place namin ay dumaan muna ako sa bahay nila Mom and Dad para magpaalam.

Hindi ko na kasi pwede pang ipagsiksikan ang sarili ko sa bahay namin dahil sa trabaho ko eh. 3 in 1 trabaho ko mga choy kaya minsan ko na mabibisita yung parents ko atsaka I'm living at a condominium right now na napakalapit lang sa studio ko.

"Mom? Dad?" Nagdoorbell ulit ako nang wala akong marinig sa loob hanggang sa pinagbuksan ako ng isa sa mga yaya nila. Ngumiti ito sakin at pinapasok ako.

"Stormy?? Stormy ikaw nga!" Masayang sabi ni Mommy at tumalon para yakapin ako. Hinalikan nya ako ng paulit-ulit saaking pisngi pati narin sa noo ko. I chuckled.

"Hello Mom! I missed you" sabi ko at hinalikan din sya sa pisngi.

"No baby, I miss you more so much!" Sabi nya at niyakap ako sa bewang.

Biglang lumabas si Daddy na nakablack suit kaya tinawanan ko sya. Tinaasan naman nya ako ng kilay at hinampas ng hawak nyang diyaryo.

"Siraulo tong anak mo Jamie!" Inis na sabi ni Daddy at pinatuloy ang paghampas sakin.

"Christian tumigil ka nga! Ngayon na nga lang bumisita tong anak natin eh!" Sabi naman ni Mommy kaya nilabas ko ang dila ko sakanya.

"Sino bang hindi maiinis eh sinabi nyang Monday yung punta nya dito! Scammer ka ah"

"Daddy naman, I just want you to be surprised. And I'm sorry dahil ang tagal ko nang hindi nakauwi dito. I'm so busy talaga" sabi ko sakanila.

"It's okay son.. We understand how busy you are pagdating sa career mong yan. Nagtaka nga ako kung bakit nakauwi ka ngayon eh" sabi ni Mommy habang nakayakap parin sakin.

"Yeah that... Magpapaalam kasi ako" sabi ko at tumingin kay Daddy, "Pupunta kaming probinsya ngayon for our shooting"

"Well... That's good anak! Goodluck stormy, I know na kaya mo yan" sabi ni Mommy at hinalikan ulit ako sa pisngi bago kumalas sa yakap ko.

"Wag mong kalimutang magtext saamin ah pag may signal doon" sabi ni Daddy kaya dumuble ang mga tango ko.

"I know Mom and Dad! Hindi ko kayo bibiguin" sabi ko at ngumiti naman sila saakin.

"Oh sige na, mag-iingat ka ah" sabi ni Mommy tsaka tinulak ako ng mahina paalis at sinamahan ako sa kotse ko.

Kumaway ako sakanila bago pumasok sa loob at pinatakbo ang kotse.

-

"So nandito po tayo ngayon kasama ang casts ng Euphoria na pinagbibidahan nina William Trinez at Melisa Mualande! Pati narin ang pinakapaborito nating loveteam na sina Thunder at Odette!"

I rolled my eyes in annoyance while having a piece of a boring and plain bread between my fingers. Nang tumutok na ang camera saamin ay agad ko itong tinago para ngumiti.

"Kamusta naman ang ating bagong pelikula William?" Tanong ng reporter at tinuon naman ng cameraman ang camera sakanya.

Agad ko ring binalik ang tinapay ko sa bibig ko para kumain. Nakakabagot na nga maghintay sa mga scenes ko, may interview pang paepal. Kung hindi sana to malaking project, tinakasan ko na ito eh.

I was supposed to be a failed rookie actor. Isang paextra extra lamang, lumalabas sa mga scenes bilang extra characters, yun bang iisang screentime lang. But then after I became one of those brother ng bida sa isang movie, they thought my acting was good when I started crying.

[✔] BOOK II : The Love CollidesWhere stories live. Discover now