chapter 4 - interview

1K 50 18
                                    

Snow's POV

"Tay, ayaw mong sumabay samin?" Tanong ko kay Rafael na nakatuwad pa para ilagay ang huling stock ng ice cream sa freezer. Sinipa naman ni Ceijan ang pwet nito kaya muntik na syang pumasok sa loob. Napatawa naman ako dun.

"Gago ka Ceijan!" Sigaw nya at inadjust ang cap nya, "Oo, sasabay ako sainyo. Huling stock na to oh" sabi nya kaya naghintay ulit ako.

"Rafael, ako na jan" pagvovolunteer ng isa pa naming katrabaho na si Jessa na isa sa mga night shifter.

"Uy salamat ah! Kailangan ko na talagang umuwi, ako ang magsasaing ngayon sa bahay eh" sabi ni Rafael at dali-daling pumasok sa loob ng changing room.

"I hate his guts so much" panggigigil ni Ceijan sa tabi ko.

"Hindi na yan bago sa pandinig ko" sagot ko naman, "And the same question ah... Bakit? May naggawa ba syang mali sayo? May past ba kayo?" Napatingin sya dahil dun.

"Past? Hmm, pwedeng reason din yun"

"Oh gosh Ceijan! Bakla ka ba noon at naging kayo? Tell me, sinong bottom?" Dahil dun ay napunta ako sa pader dahil sa lakas ng pagkatulak nya sakin. Tumawa ako ng malakas habang nakahawak sa dibdib ko.

"Hanggang ngayon Snow? Di ka ba nandidiri? Noon mo pa yan sinabi sakin eh!" Inis nyang sabi sakin. Napahinto naman ako at napaisip.

"Sinabi ko yun noon?" Tanong ko at sinubukang alahanin ang nakaraan nang biglang sumakit yung ulo ko at hinawakan naman ako ni Ceijan sa balikat.

"Diba sabi ko sayong wag na wag mong alahanin ang nakaraan?" Tanong nya.

"Pero Ceijan—"

"Kung ayaw mong sumakit ulit yang kokote mo, wag mo nang alahanin" sabi nya kaya natahimik nalang ako.

"Taralets guys! I'm ready!" Biglang dumating si Rafael kaya napatingin kami sakanya.

Hindi ko sinadyang mapatitig sa mukha nya at biglang nalang nanlabo ang paningin ko. Mukha nanaman ni Rafael ang biglang lumabas sa utak ko pero ibang itsura. Si Rafael na ewan.

At ang sakit.

"Tangina naman Snow!" Sigaw ni Ceijan kaya napapikit ako para alisin yun sa isip ko.

"Sorry Ceijan, h-hindi ko talaga mapigilan" sabi ko.

Hinila nya ako palabas habang nakasunod naman sakin ang nagtatakang Rafael.

Palaging sinasabi ni Ceijan sakin na huwag na huwag kong titingnan si Rafael sa mukha. Nagtataka nga ako kung bakit eh kaya dahil curious ako, sinubukan ko naman. Wala na sanang mangyayari pero biglang naging pamilyar sya sa utak ko kaya inalala ko.... pero yung ending, ganun parin.

Wala akong matandaan except sa pamilya ko, sa pangalan ko, sa lugar kung saan ako nakatira at yung ibang mga taong naging konektado sakin. Para bang isang reincarnation na ako ngayon.

Hindi kaya, patay na ako tapos nabuhay sa ibang katawan? Parang ganun...

"Don't think too much" sabi ni Ceijan sakin. Tapos isa pa, nageenglish kahit nakatira sa probinsya lol.

"Rafael, umuwi ka nalang mag-isa" sabi ni Ceijan pero agad ko naman syang pinigilan.

"Wag Rafael, sumabay ka samin. Wag ka ngang masyadong harsh kay Rafael" sabi ko sakanya.

"M-may kasalanan ba ako?" Inosenteng tanong ni Rafael. Naku tingnan mo ang ginagawa mo Ceijan.

"Wala wala. Mabuti kang bata Rafael" sabi ko sakanya habang nakataas-baba yung kilay ko.

[✔] BOOK II : The Love CollidesWhere stories live. Discover now