chapter 11 - collide

927 62 38
                                    


Rain's POV

"Congrats Melodia!" Sabi ko at umirap naman sya sakin.

"Stop calling me Melodia!" Sabi nito at umaktong susuntukin ako.

"So how was it? Kwento mo naman!" Sabi ni Yvan na katabi lamang si Melody sa gilid nya.

Nasa bahay ko ulit kami nakatambay pagkatapos ng trabaho sa school at kakauwi rin ni Melody galing sa Entertainment na kung saan tanggap sya sa pagiging artista. Yikes! Dalawang barkadang artista na this oh! Nakajackpot ako.

"Well, it's good. They told me na maganda yung acting ko lalo na ang role na kontrabida"

Ako ang naunang tumawa at sumunod naman si Yvan.

"Halata naman" sabi ko at sinapak ako ni Melody sa ulo.

"Nothing's funny" sabi nya at umirap ulit.

"Pero congrats ulit baby ah, thank God nagkaruon ako ng girlfriend na artista!" Sabi ni Yvan.

"Aww thanks baby~"

Ako naman ang umirap sakanila at niyakap ang nakapajama kong paa, "Actually, crush nyan si Dylan Wooooaaaawch ANO BA IBAN!" napatalon ako sa sofa ko nang gumapang sya sakin para kurutin ako sa gilid.

"Wag ka jan makinig Melody ah sinasabi ko sayo!" Sabi ni Yvan at binelatan ko naman sya.

"Alam ko namang crush nyo si Dylan guys lalo na ikaw baby! I won't disagree tho, ang pogi nga nya sa personal!"

Eh, nagpapainggit lang tung bruhang to eh.

"Nakita mo talaga sya?" Tanong ni Yvan.

"Oo! May selfie nga kami together eh" sabi ni Melody at pinakita kay Yvan ang picture sa phone nya.

Ngumisi naman ako nang dumilim ang paningin ni Yvan sa picture. Hindi ko alam kung saan... kung dahil nagseselos ba sya sa selfie ni Melody at Dylan or may kasamang lalaki si Melody sa picture.

"So kailan ang debut mo?" Pagkuha ko ng atensyon ni Melody.

"Magpapatulong muna ako kay Thunderrr! Excited na nga ako eh, nasa probinsya pa kasi sya " sabi nya at ngumuso.

Speaking of Thunder. Matawagan nga. Mangangamusta lang sana ako, nakakamiss din kasi yun eh.

Nilabas ko ang phone ko para kontakin sya pero ayaw ako sagutin. Napakunot naman ang noo ko at tinawagan sya ulit pero ayaw talaga akong sagutin eh.

"Rain, samahan mo ko bukas sa national bookstore ah, bili ako ng bagong class record" rinig ko sabi ni Yvan at tinanguan ko lang sya habang nagtype nalang ako ng message kay Thunder.

To: Thunder

Uy, kamusta na jan? Ba't ayaw mong sumagot?

Ilang minuto na ang nakalipas pero hindi parin ako nireplyan. Napasimangot nalang ako at nilagay ang phone ko sa maliit na mesa.

"Hindi sumasagot si Thunder" sabi ko at tumingin sa nakapatay kong phone.

"Baka naman busy. Wag disturbuhin ang nagtatrabaho" sabi ni Yvan.

"Alas-9 na ng gabi tapos nagtatrabaho pa?" Tanong ko sakanya.

"Malay mo diba jugjugan time— ARAY!" sigaw ni Yvan nang sapakin sya ni Melody sa mukha gamit ang unan sa sofa.

"Baka nga naman kasi busy Rain pero sa ibang paraan. Or di kaya walang signal na probinsya" sabi naman ni Melody kaya tumango ako.

"Baka nga busy... Eh kayo? Ayaw nyong umuwi sa mga bahay nyo?" Tanong ko sakanila.

[✔] BOOK II : The Love CollidesWhere stories live. Discover now