chapter 35 - ceijan

700 54 100
                                    


Thunder's POV

"Hey are you okay?" William asked as soon as he stepped inside my studio. Inikot ko ang upuan ko paharap sakanya.

"Just busy..." I replied.

Umupo sya sa couch habang sinilip ang computer na nasa likod ko. Tumingin sya sakin.

"Right... the concert. I'm sure they prepared it until now" tumingin ako sa computer ko bago tumingin pabalik sakanya.

"Sold out na lahat ng tickets.... but I really want to cancel it so bad" sabi ko kaya nabigla naman sya at tinanong ako kung bakit, "Nakatakas si Ceijan and Snow was mad at me after she knew I held the case which is namisunderstood nya. She's with Rafael na ngayon pabalik ng probinsya"

"What?! Nakatakas si Ceijan?"

I don't even know kung tatawagin ko parin ba syang Ceijan eh. Even tho I'm sure, I'm still hesitating about the truth kung buhay pa ba si Ceijan o patay na.

I keep on thinking about that almost everyday na sa puntong muntik ko nang makalimutan ang concert ko next week. Nairemind lang ako nung tumawag ang vocal trainer ko about sa mga kakantahin ko and such. I still dont have a plan about the dance na pinaguusapan namin ng mga tropa ko.

It's always Snow, Ceijan and the guy in the coffin.

"Hey Will... Can I have your time?" I asked.

"And why?"

"Please come with me"

-

"Ceijan Merco Lim.... Snow Flake Medina" basa nya sa nakacrave na mga pangalan sa mga lapida. He looked at me before asking, "And what are you thinking right now?"

"I asked some assistant na hukayin ang puntod ni Ceijan. I just want to see something" tumahimik naman sya pero I know he's curious about everything, "Palagi akong sinasabihan ni Ceijan sa panaginip ko na huhukayin ko daw sya but he didnt tell me why" dagdag ko.

"But I thought he's alive?"

"That's what I thought too"

Dumating ang lalaking inutusan kong hukayin ang puntod so I let him do his job. Nakatingin lang kami dito hanggang sa nakita na namin ang puting kabaong. Tinulungan namin syang kunin ito at pinatong sa ibabaw ng puntod ni Snow. I wore my mask and decided to open it. Gulat akong napatingin dito. Totoo ngang may laman pero kalansay na lamang ang makikita ko.

"What the hell?!" React naman ni William nang makita nya rin ang laman ng kabaong. "His dress isn't even appropriate" komento pa nya nang makitang tshirt at pants lang ito. Mas lalong naghalo ang theory ko sa utak nang makitang puro marka ng dugo ang pakalat-kalat sa damit nya. It's like hindi na sya inautopsy or something... and it stinks so much. I frowned.

"It's impossible that they haven't checked the body inside the coffin!" sabi ko at napatingin sa lalaking humukay ng kabaong.

"Kung naalala nyo po ako sir, isa po ako sa nagtatrabaho sa funeral na yun. May nagutos lang po samin na huwag daw po namin buksan ang mga kabaong lalo na po sa lalaki" sabi ni manong.

Sino naman ang nag-utos sakanya nun?

"Sino sya?" tanong ko.

"Hindi ko po kilala eh at hindi ko na po naalala pero tinanggap lang po ng kasama ko yung pera na binigay nito samin para hindi namin buksan o ipabukas sa iba. Lalaki po yun sir eh"

I parted my lips in disbelief. It's a guy? And who would that be? Seriously I don't know who to guess. Lahat walang pumasok sa utak ko. It's all empty.

[✔] BOOK II : The Love CollidesWhere stories live. Discover now