chapter 25 - remember

824 53 39
                                    

Snow's POV

"RAFAEL!!" sigaw ko nang makita ko syang nakatuwad sa loob ng ref ni Thunder. Dumamba ako sa likod nya kaya mas lalong pumasok sa loob ng ref ang pagmumukha nya.

"Tangina Snow ang sakiiiit!" Nangingiyak nyang sabi sakin kaya agad ko syang hinila paalis. Tumingin sya sakin at tinaasan ako ng kilay, "Tinawag mo ba ako ng Rafael?"

"Malamang. Anong itatawag ko sayo? Thunder?" Sabi ko sakanya kaya agad naman syang napatingin kay Thunder na nakasandal sa sink ng kusina. Nginitian ko si Rafael at kinurot ang pisngi nya, "Kamusta naman yung pagiging feeling artista?" Tanong ko sakanya.

"Unang-una, napakahirap. Pangalawa, hindi ko alam na dapat palang maging matalino ka kapag artista ka" sabi nya at sinulyapan si Thunder bago tumingin sakin, "Pero nabisto ako ng Bane na yun"

"Good job Raf" sabi ni Thunder at tinapik sa balikat si Rafael habang hawak ang walang laman na baso nito.

"Rafael, kwarto tayo" sabi ko sakanya at dumeretso ng kwarto namin. Umupo ako sa kama habang hinintay syang pumasok.

Nang pumasok na sya ay agad syang umupo sa kama at humarap sakin.

"So.. Pano mo nalamang nagpapanggap kaming dalawa ni Thunder?" Tanong nya.

"Wag mo kong gawing tanga Rafael. Kilalang-kilala kita at hinding hindi ako papayag na mas matangkad ka kesa sakin!" Sabi ko sakanya at sinamaan naman nya ako ng tingin.

"Ang sama mo naman sakin!"

"Pero bakit? Bakit ka pumayag na magpanggap bilang Thunder? Ano ba talagang plano nyo?" Tanong ko sakanya.

"Hindi nya ba nasabi sayo?"

"Ang alin? Except sa tutulungan nya akong makaalala and yada yada... What else?" Tanong ko.

"Boba ka talaga!" Sabi nya at hinila ang tenga ko, "Yun na ang point eh!" Sigaw nya.

"Anong point ka jan? Anong ibig mong sabihin?"

"Bago yan, ano ba talagang gusto mong mangyari? Binigyan ka na ng hint diba?"

"Ano?"

"Ayaw ko mang magtanong muli pero Snow, anong sinabi ni Thunder sayo? Ano ba ang plano nya sayo? Sagutin mo nga ako kasi nanggigigil ako eh"

"Sinabi nya lang saking ibabalik nya ang ala-ala ko lalo na ang kami. Uhm, anong ibig sabihin nun?" Tanong ko.

"Hindi ko alam kung tanga ka ba or ang tanga tanga mo. Binuhos ko sa misyong to ang dugo, pawis at luha ko para maging Thunder habang hinahayaan ko naman si Thunder na gamitin ang pangalan ko para sayo. Tapos ngayon, hindi mo pa nagets yung point? KAMI. Kayo! Merong kayo! Ano pa bang hinahanap mong clue?"

Hindi nya naman kasi naintindihan eh. Ang kami na pilit kong inaalala ay ang pagsasamahan naming dalawa. Kung merong kami, bakit hindi ko man lang sya naaalala? Bakit hindi ko maalalang merong kami or whatsoever. Diba when it comes to memories, isa sa mga importanteng bagay na kailangang alahanin ay ang pagsasamahan nyo ng taong importante sayo? So bakit ganun?

"Snow, isipin mo nga yung effort na ginawa ni Thunder para makalapit sayo... Akala mo bang ordinaryong tao lang sya sa buhay mo?"

Hindi ko alam.

Ayokong isipin na may namamagitan saaming dalawa ni Thunder noon. Hindi ko rin naman maitangging mag-assume na boyfriend ko sya noon. Yung tingin nya sakin at kung gaano nya ako itrato. Yung tibok ng puso nya nung hinawakan ko ang dibdib nya... Sign yun diba?

Pero....

*

"Wag mo nang alahanin ang nakaraan mo"

[✔] BOOK II : The Love CollidesWhere stories live. Discover now