chapter 32 - MOVE

734 47 68
                                    

Snow's POV

Mapa-CR, mapacanteen, mapaclassroom at kahit sa taping, sunod ng sunod si Thunder sakin. Hindi ko nga alam kung sino yung natraumatize saming dalawa eh. Kaya ayan tuloy, nagkaatensyon kami nang dahil sakanya.

"Anong meron sainyo ni Sir Thunder?!"

"Kayo ba?"

"Bakit palagi kayong magkasama?!"

Yan ay mga tanong ng mga staffs as soon as mawawala sa tabi ko si Thunder. Nasa taping na sya ngayon habang nakaupo ako sa mga upuan dito kasama ang ibang mga staff. Pinaulanan nila ako ng tanong tungkol samin ni Thunder. Haist, sumasakit ulo ko.

"Mabait lang talaga si Sir Thunder kaya ganito" sagot ko sakanila.

"Sabagay! Ganyan talaga si Sir Thunder simula nung pumasok palang sya ng showbiz. Isang ngiti lang nya, parang nawawala lahat ng problema mo sa buhay. Kyak! Ang swerte mo nahired ka!  Sana pala nagapply ako bilang staff nya no?" Sabi ng isang babaeng staff habang sumang-ayon naman ang iba sakanya. Tumango lang ako at napabuntong hininga.

"Nang dahil sa movie na ito, nawalan na ng gana ang mga fans na suportahan ang tambalang Thundette something... Hindi naman sila real eh. Diba gurls?" Sabi naman ng isa.

"Bakit mo naman nasabi yan? Masama ba ang ugali nung Odette?" Tanong ko.

"Ay besh! Sya na ata ang pinakamabait na artista na nakilala ko. Dahil sa kabaitan nya, nakakainis!" sabi pa nya. Hinanap ko yung sarcasm pero mukhang seryoso sya sa sinabi nyang mabait si Odette.

"Napakabait na tao si Odette na para bang isa talaga syang anghel. She's not the Angel Star for nothing! Idol na idol ko sya noon pero nung dumami yung fans nya, nawala yung pagiging idolo ko sakanya"

"It doesn't make sense. Dahil sa kabaitan nya, ayaw nyo sakanya?" Tanong ko.

"Hindi...kasi. Iba ang kabaitan ni Odette. Napakamisteryoso kumbaga! Para bang may tinatago pa syang ibang kulay sa loob nya?"

Kumunot naman ang noo ko at magtatanong na sana nang biglang may magsalita sa likod namin. Nagulat naman ang isang staff habang napalingon ako sa nagsalita.

"O-Odette?" Napatayo kami at nagbow sakanya pero ngumiti lang sya samin

"It's nice to see you guys! Anong pinaguusapan nyo?" Tanong nya.

"Just... Uhm, nagkukwentuhan—"

"Ano po ginagawa nyo dito Miss Odette? Akala ko po ba wala kayo sa movie na to?" Pagudlot ng isang staff sa sasabihin ko. Napatikom nalang ako ng bibig.

"Just visiting Thunder's duty, you know it's not rare for an actress to visit a colleague right" sabi nito habang napaisip naman ako. Parang rare yun sakin eh.

"Ganun po ba? Mukhang busy pa po si sir Thunder ngayon sa taping nya" sabi ko at napatingin sa kung saan nagtataping si Thunder.

"I see" tumabi sya sakin kaya nanlumo ang ibang staff dahil wala na silang time para magchismis na.

Maya-maya'y nagbreak na ang direktor kaya agad akong tumayo para lapitan sana si Thunder nang hawakan ako ni Odette sa braso. Ngumiti sya sakin, "Let me" bulong nya at kinuha ang tubig at panyo mula sa kamay ko habang maglakad papunta kay Thunder. Hindi na ako pumalag kaya umupo nalang ako pabalik.

"Reason number one, she's clingy" sabi bigla ng isang staff habang sinundan ng tingin si Odette.

"Reason number two, she's pathetic" tawa ng isang staff.

"Wait..huh?"

"Reason number three, she's persistent" sabi ng huling staff at umirap.

"Reasons kung bakit ayaw namin kay Odette… Ikaw Snow?" Tanong ng isang staff. Hindi ko alam ang mga pangalan nila pero alam nila name ko.

[✔] BOOK II : The Love CollidesWhere stories live. Discover now