special chapter; the wedding

837 44 47
                                    


1 year later

(Nakalimutan kong lagyan ng year lol parang bukas na bukas tologo kasal agad hano)

Nagmamadaling umakyat si Rafael sa bintana ni Vince habang may malaking backpack sa likod. Sumilip muna sya sa loob bago ito buksan para pumasok. Tumalon sya sa kama nito at dinamba ang kaibigan.

"Malelate na tayo uy!!" sigaw ni Rafael habang inagaw ang kumot ni Vince paalis sa katawan nya. Umupo ulit si Rafael sa kama habang nakatingin kay Vince na parang zombie kung makalakad palabas ng kwarto nya.

Inayos naman ni Rafael ang kama ni Vince bago lumabas at sumunod dito. Biglang lumabas si Brits sa kwarto nya at nakita si Rafael. Dumamba sya dito kaya napatawa naman si Rafael at kiniliti ang bata.

"Anong ginagawa mo dito kuya Raf?" tanong ng bata.

"Kasal ni ate Snow mo ngayon!! Hindi mo ba naalala?" tanong ni Rafael at kinurot ang bata sa pisngi.

"Oo nga pala!! KUYA SAMA AKOOO" sigaw ng bata atsaka pumasok sa banyo nila para puntahan si Vince.

Lumabas naman ng bahay si Rafael at nakasalubong si Jane na sakay ang motor nya. Napangiti ang lalaki tsaka nakipagapiran kay Jane.

Mga ilang minuto rin ang nakalipas at lumabas na si Vince habang inirapan ang ina nyang tuwang-tuwa sa anak nya.

"Ma! Hindi ako yung ikakasal!" inis na sabi ni Vince habang tinulak ng mahina ang ina dahil sa anak nyang nakatuxedo na.

"Ang pogi ng panganay ko! Bantayan nyo tong si Vince ah!" sabi ng ina nito kaya mas napairap si lalo si Vince habang tinawanan naman sya ng dalawa.

Nang makarating sa siyudad ay agad silang pumunta sa hotel na kung saan nakastay ang dalawang pares na ikakasal ngayon. Inayos muna ni Rafael ang sarili nya bago pumasok sa loob para puntahan si Snow. Nang makita ang kaibigan ay napangiti si Snow.

"S-Sir! Bawal pa po ang groom dito" napatawa naman si Snow at tinapik ang makeup artist.

"Hindi yan si Thunder" sabi ni Snow.

"Kambal ni Sir Thunder?" chismis ng bakla.

"Kamukha lang" sagot naman ni Snow.

Biglang pumasok ang mga magulang nito kaya napatayo na si Snow para salubungin ang Mama at Papa nya.

"Ganda ng anak ko!" sabi ni Hans habang nakayakap sa anak nya.

"Pa, wala pa akong make up"

"Kahit wala kang ganun, maganda ka parin kay Papa" napairap nalang si Snow habang tumingin kay Elsa na natatawa sa sinabi ng asawa nya.

"SNOOOOW!!" nagulat naman si Snow nang biglang pumasok sa loob ng kwarto ang mga tropa nya.

"Snow!!" nagkunwaring umiyak si Vince habang nakatingin kay Snow kaya binatukan sya nito.

"Ang pogi natin sa tuxedo ah" puna ni Snow at niyakap ang ibang tropa nya.

"Syempre dapat pogi dahil perstaym groom's men eh" sagot nito at inayos naman ni Snow ang necktie.

Lastly, si Hyena naman ang pumasok habang nakadress na. Nagpose pa ito bago akbayan si Snow.

"Galing ako sa kwarto ni Thunder... excited na ang gag-" nang makita nya ang mga magulang ni Snow ay agad syang napatakip ng bibig, "Muntik nang maiyak si Thunder..."

[✔] BOOK II : The Love CollidesWhere stories live. Discover now