chapter 18 - house

748 43 22
                                    


MM: Rafael

Thunder's POV

"So kailan ka natutong magdrive ng sasakyan Rafael" napahigpit ang hawak ko sa manibela.

"Do you know how to drive?" I asked him.

"Ng tricycle tapos motor!" Sabi nya habang nakataas pa ang kamay.

I just remembered... hindi marunong magdrive ng sasakyan ang isang Rafael. How can I be that so stupid.

"Nagsinungaling ako nung sinabi kong hindi ako marunong magdrive pero ang totoo, may nagturo sakin kung paano.  Pero walang nakakaalam" sabi ko at huminga ng malalim nang maconvince ko sya sa palusot ko.

"Alam mo bang nakakaturn on ang mga lalaking nagdadrive" nakangiti nyang sabi at napunta nanaman ulit ang tingin ko sakanya.

"What the heck!?"

"Oo nga! Parang yung puso ko ay tumitibok ng walang katapusan. Bumibilis!" I facepalmed. Is this really Snow?

"Seryoso ka ba talaga jan?" I asked.

"Mukha ba akong nagjojoke?! Weird man pero seryoso ako. Kagaya mo, baka anytime mafafall—"

"Shut up. Ayoko sayo!" Inis kong sabi sakanya. Ofcourse she can't tell it with Rafael's place. I want to hear it with me myself as Thunder.

"Ito naman ang KJ. Pero tay, alam mo ba kung saan ka papunta?"

Crap. I can't tell her I know where she lived. This is so hard than I thought it would.

And did she just called me tay!?

"W-Well—"

"At hindi mo na ako tinatawag na baby~ Akala ko ba Daddy kita?"

Fcking shit, ano ba to?! I sighed in frustration.

"Manahimik ka nalang" sabi ko at nagpatuloy sa pagdadrive.

Did Rafael made all of that?! Akala ko inosente ang gago, may tinatago palang pagiging fanboy ng FSOG. Tsk, bastard.

"So pwede mo na bang sabihin sakin kung nasaan ang bahay nyo?" Tanong ko. Tumitig naman sya sa daan at hindi ako sinagot. Hinayaan ko nalang muna sya.

Alam ko kung nasaan ang bahay nya pero hindi ko pwedeng sabihin sakanyang alam ko dahil yun pa ang dahilan ng pagbuking ko.

So I let her.

"H-Hindi ko maalala" sabi nya at napakagat ng labi. Yeah right, amnesic person.

I decided na pumunta sa subdivision nila na kunwari napunta ako doon na hindi ko namalayan. I'll pretend na I lost my way here.

"DITO! YAN! BAHAY KO YAN" sigaw nya at kinapa ang seatbelt nya para alisin ito. Tinigil ko naman ang sasakyan at pinark sa harap ng gate nila. Nauna syang lumabas at pinatay ko naman ang mahina. Huminga ako ng malalim bago silipin ang bahay nila. Nothing actually changed.

I wonder kung anong magiging reaksyon ng pamilya ni Snow pag nakita nila ito.

Bumaba ako ng sasakyan at sinundan si Snow na nagaalinlangan pang pindutin ang doorbell. Tumingin sya sakin na parang sinenyasan nya akong pindutin yung doorbell. Umirap nalang ako at agad na pinindot ang doorbell. Tumunog naman ito pero agad kaming nagulat nang sumabay sa tunog ang tahol ng mga aso galing sa loob.

Napaatras ako nang nagsintakbuhan ang mga aso sa gate para tumahol samin. Kumunot naman ang noo ko. Kailan pa nagkaruon ng aso sila Snow?

Wait.... Aso.

[✔] BOOK II : The Love CollidesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon