chapter 36 - unknown

544 38 27
                                    

Yvan's POV

Nanginginig ang mga kamay ko habang hinahanap ko sa phonebook ang number ni Mint. Napatingin muna ako kay Sunny bago ko pindutin ang number ni Mint upang magtext.

To: Mint

May nangyari kay Rain!

Napasinghot ako habang hinihintay ko ang reply nya. Lumunok ako at nagtext ulit.

To: Mint

Hindi na to maganda Mint please sumagot ka.

Napahinga ako ng malalim bago tingnan si Sunny na nagdadrive. Napaluha nalang ako nang maalalang ito na ang araw kung saan mageexpect ako ng isang pangyayaring hindi ko magugustuhan.

Ubos na ang oras ko.

"Hey Yvan, don't cry please. Mahahanap natin si Rain" sabi nya pero hindi ko sya sinagot at tiningnan ang umiilaw kong phone. Agad ko itong binuksan at tiningnan ang reply nya.

From: Mint

I'll be there...

"FUCK!" sigaw ko at binato ang phone ko sa bintana ng kotse. Napalingon naman si Sunny sakin at gulat akong tiningnan, "Stop the car"

"Yvan...!"

Nang tinigil nya ang kotse ay agad kong binuksan ang kotse tsaka lumabas. Napahilamos ako ng mukha at napaiyak.

"Yvan!" tawag sakin ni Sunny at hinawakan ang braso ko para iharap sakanya.

"This is all your fault!" sigaw ko at tinulak sya paalis sakin. Umatras sya pero nakatingin parin sya sakin, "Nang dahil sayo nasa kapahamakan nanaman si Rain!! DAHIL SAYO SUNNY!!!"

Umupo ako sa lupa at lumuhod naman sya sa gilid ko, "Pero hindi... hindi ko kayang maggalit sayo dahil ikaw lang ang tanging taong kayang pasayahin si Rain. Isa lamang akong hamak na kaibigan na sinubukang ilayo sya sa kapahamakan— but I failed..."

"anong ibig sabihin nito Yvan?" kagaya ko, umiiyak narin sya. Pinunasan ko ang luha ko at hinila sya papunta sakin para yakapin sya. Hindi sya kumibo kaya binaon ko nalang ang mukha ko sa balikat nya.

"Please save Rain. Ikaw na bahala sakanya Sunny...." bulong ko. Niyakap nya ako pabalik pero bago ko pa maramdaman ang malambot nyang kamay sa likod ko ay naramdaman ko agad ang isang matulis na bagay na bumaon sa likuran ko. Sigaw lamang ni Sunny ang tanging naririnig ko at boses ng pamilyar na lalaki na sumaksak sakin.

Hindi parin nya ko binitawan kahit nasukahan ko na sya ng dugo. Sigaw parin sya ng sigaw sa pangalan ng lalaking yun pero hindi ko na alam ang kasunod dahil naipikit ko na ang mga mata ko....

Sunny's POV

Napatayo ako nang bumagsak na ang katawan ni Yvan sa dibdib ko. Tininghala ko ulit sya pero nakatutok na sakin ang patalim na ginamit nya kay Yvan.

"Follow me and shut your mouth" tumulo ulit ang mga luha sa mata ko at tumayo. Ngumisi naman sya at hinila ang buhok ko para ilapit sakanya.

Napadaing ako nang hinila nya ako papunta sa kotse nya at pinasok dito. Hindi na ako umimik at hinayaan nalang syang dalhin ako sa kung saan man ng destinasyon nya.

Hindi ako makapaniwalang sya ang may pakana ng lahat ng to.

All this time, trinaydor nya ako.

Rafael's POV

[✔] BOOK II : The Love CollidesWhere stories live. Discover now