chapter 30 - locked

813 42 34
                                    

Snow's POV

"Sa Gym! Tara puntahan natin Miguel!"

"Anong meron sa gym?"

"Makikita mo! Tara na Mig— THUNDER!!!"

"CUT!"

Agad akong napatayo nang bigla-bigla nalang bumangga sa pintuan si Thunder. Napasapo ako ng noo.

Agad akong lumapit dito para magbigay ng tubig at towel. Tumingin ako sa noo nya.

"Namumula ang noo mo" sabi ko sakanya, "Sure ka bang okay ka lang talaga?"

"Okay lang ako. Hindi ko lang talaga nakita yung pintuan" sabi nya at pinaghahampas pa yung binangga nya. Napairap naman ako at binigay sakanya ang tubig. Pinunasan ko naman ang leeg nya gamit ang tuwalya habang ininom nya ang binigay kong tubig.

"Gusto mong bilhan pa kita ng isa?" Tanong ko at hinintay syang magsalita.

"Uhmm.. Coffee nalang please?" Umirap ako at sinamaan sya ng tingin.

"Yan napapala mo sa hindi natutulog paggabi eh! Hindi yan nakakabuti Thunder" sabi ko sakanya.

"Ayaw mo kong tabihan ulit eh" sabi nya at ngumuso pa habang kinurap-kurap pa ang mga mata. Suws hindi mo ko madadaan jan.

"Bahala ka na nga jan" sabi ko pero bago pa ako makaalis ay agad nya akong hinila at pinaharap sakanya.

"Promise me na papatulugin mo ko sa kwarto mo" sabi nya at tinaas-baba ang kilay nya.

"Shut up!" Sigaw ko bago itulak ang pagmumukha nya palayo sakin.

-

Anong klaseng kape ang gusto ni Thunder? Okay naman ata sakanya yung kopiko no? Di naman ata maarte yun. Malamang galing sya dito sa school na to kaya nakainom na sya nito.

Ah, tama! Ang tagal ko nang sumasama sa mga taping ni Thunder pero palagi kong nakakalimutang maglibot dito sa Kirigaya. Dance Room, yun talaga unang pinuntahan ko eh dahil yun talaga ang mas pamilyar ako eh except sa classroom namin syempre.

Nadaanan ko naman ang CR sa Canteen kaya naiihi tuloy ako. Classhours ngayon kaya walang estudyanteng makikita kahit saan. Feeling ko rin hindi na pinapasukan tung CR ng Canteen dahil masyadong madilim. Pero naiihi na talaga ako eh.

Binuksan ko ang pinto nito at nagexpect na madumi sa loob pero surprisingly, napakalinis. Parang kahit inabanduna na, palagi paring nililinisan. Pero naiihi na talaga ako eh kaya mas mabuti pang umihi nalang dito.

Ang linis parang bagong tayo lang.

Pumasok ako sa first cubicle then do the shaliling. Naalala ko noon, natutulog ako dito minsan. Oo alalang-alala ko yun kahit yung iba, nakalimutan ko na. Pero atleast minsan naalala ko parin yung pagiging pasaway ko noon.

CLANK! BANG!

Ano yun?

Agad akong nagflush at inikot ang lock ng pinto pero nung bubuksan ko na sana, hindi sya bumukas. Napalunok naman ako nang kahit anong tulak, ayaw paring bumukas.

Napatili ako nang biglang pumatay ang ilaw at isang tawa ng babae ang maririnig bago sumara ang pinto. Napahawak naman ako sa dibdib ko habang nagiimagine ng kung ano-ano sa isip ko. Aswang, whitelady, duwende, engkanto... AAAAAAAHHHH NATATAKOT AKO.

"T-TULONG?? MAY TAO BA JAN!?" Sigaw ko habang nanginginig na ako sa takot. Ayoko rin naman manira ng facility no. Bayad nanaman.

Sino bang hayop ang gumawa sakin nito? Kung multo man, okay lang dahil trabaho talaga nila ang manakot. Hmp. Pero kung tao man, ipapahanap ko talaga sila at ipapakulong ko habang buhay!

[✔] BOOK II : The Love CollidesWhere stories live. Discover now