chapter 27 - revealed

745 38 50
                                    

Snow's POV

"Then naalala mo bang ninakaw nyo ni Eizon yung notebook ni Mint tapos nakita nyo yung drawing nyang boobs?" Sigaw ni Thunder habang pinaghahampas pa ang table sa kakatawa.

"Huy gago! Bundok kasi yun di mo lang nakita ang sun!"

Nagtawanan ulit sila dahil dun kaya minsan napapangiti narin ako sa mga kwento nila. Hindi ko alam kung bakit ako sinama ni Thunder dito sa salo-salo nila basta sabi nya, magkikita-kita lang daw kaming magschoolmate noon.

Ang daming taong dumadagdag kaya ang hirap tuloy sila alahanin. Kagaya nung Mint, si Yvan at yung jowa nyang si Melody tapos yung kausap ko noon na si Grey pati ang girlfriend nyang si Cara. Hindi ko rin naman mapigilang manahimik dahil wala akong alam sa mga pinagsasabi nila. Kung siguro hindi nawala yung mga ala-ala ko... Baka tawang-tawa narin ako ngayon.

"Si Eizon nga pala?" Tanong ni Mint.

"Bagong kasal yun! Nabuntis ng maaga si Kesha. Tsaka nasa Thailand sila ngayon dahil nagcecrave ng banana roti yung babae" sagot ni Cara.

"Pumunta lang ng Thailand para sa banana roti!?" Tanong ni Yvan.

"Teka, buntis? Ang aga naman ata nyang mabuntis" sabi ni Grey, "Grabe ang landi ng ilong ah. Ako ang boyfriend noon pero hindi binalita sakin!?"

Boyfriend noon?

"Heh! Selos ka lang dahil baog ka!" Sigaw ni Cara kaya tawang tawa naman sila.

"Hindi ako baog!!"

"Guys stop it!" Tawang tawa na sabi ni Mint at pinakalma ang sarili nya, "And why are you so worried about sa pagiging early ng pagbubuntis ni Kesha kung mas maaga namang nagkaruon ng anak sina Rain at Sunny!" Sabi nya kaya imbes na magreact, natahimik kaming lahat.

Kahit ako.

Tahimik...

"Wh-What?" Inosenteng tanong ni Mint habang nakatingin saamin. Halatang gulat si Sunny tsaka si Rain.

Kung ganun... Totoo talagang anak ni Rain si Cloud? Pero bakit naman nila itinago samin?

"You haven't told them about this Sunny?!" Tanong ni Mint.

"I-It's not that..."

"Then kailan mo itatago kay Cloud ang Daddy nya?"

"Wait wait Mint! Hindi naman sa ganun!" Singit ni Rain at bumuntong hininga.

"Mint!" Tawag ni Cara dito. Napayuko nalang ako sa biglaang pagseseryoso nila. Inatras ko ang upuan ko at tumikhim.

"May pupuntahan lang ako" sabi ko sakanila at agad na tumakbo palabas ng restaurant.

-

"Heyyy remember me?" Tuminghala ako sa lalaking lumapit sakin kaya umusog ako sa bench na kinauupuan ko dahil mukhang uupo sya dito.

"Sir William" sabi ko at yumuko ulit.

"Just call me William. You're also my friend you know" sabi nya at tumabi sakin, "Susundan ka sana ni Thunder pero agad ko syang pinigilan then excused myself para mag-CR. I really want to talk to you"

"Bakit naman?" Tanong ko.

"Wala lang. I don't really know kung bakit. I just want to talk to you. I just have the feeling na kailangan eh"

"Ang weird mo"

"That's me"

Huminga ako ng malalim.

"Bakit ka nga pala umalis?" Tanong nya, "You know you can tell me. It's not like mahilig akong magkalat. I'm just a curious person and I believe nakakapatay yun"

[✔] BOOK II : The Love CollidesNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ