Rain.Boys Chapter: 2

Magsimula sa umpisa
                                    

        Mayamaya ay tumunog ulit ang cellphone ko:

        'Ikaw na ang unang magsalita.'

        Ang text sa'kin ni Arwin at agad naman akong nag-reply:

        'Wow artista ka? bakit naman ako pa ang kailangang mauna na magsalita? Pwede ba mukha na tayong tanga nito, magkalapit pero magka-text pa...'

        "Bakit ba ang sungit mo sa'kin?" sabi n'ya at nabigla ako noong bigla s'ya nagsalita.

        "Wala, kumukulo lang talaga ang dugo ko sa'yo, ewan ko ba, hindi ko din maipaliwanag." ang sagot ko na medyo inis at natahimik siya.

        Mayamaya ay lumabas na si John mula sa kusina, "Best, Arwin, okay lang ba kung iwanan ko muna kayo sandali? Pupunta lang ako sandali sa bayan, nag-text kasi sa'kin si mama nagpadala daw siya  ng pera na panggastos ko para sa buong linggo, kukunin ko lang." sabay sabi ni John.

        "Eh di sasamahan ka na namin." sabi ni Arwin.

        "Naku, 'wag na, kaya ko na'to babalik din naman ako agad. Promise sandali lang ako, basta dapat pagbalik ko walang may pasa o black eye sa inyo, baka mamaya pag-alis ko magrambol na kayong dalawa diyan. Oh pa'no alis na muna ako ah." sabi ni John at humalik ito kay Arwin at agad na umalis. Ewan ko pero mas nainis ako kay Arwin noong humalik sa kanya ang BFF ko.

        Dalawa na lang kaming naiwan at parehong walang umiimik sa'min, kaya nag-focus na lamang ako sa panonood.

        "Hindi mo pa din ba ako papansinin talaga ha Mr.Sunget?" bigla niyang sabi, at nang ibabaling ko na ang tingin ko sa kanya, nagulat ako dahil malapit na ang mukha niya sa akin at muntikan ko na siya mahalikan kaya naman agad ko iniwas ang mukha ko.

        "Kung nambibwisit ka pwede ba na umayos ka? Hindi magandang biro yan." sabi ko at agad na bumalik sa kinauupuan niya si Arwin, at doon ko napansin sa mata niya na parang may gumugulo sa kanya, kaya huminga ako ng malalim bilang pagbuwelo para kausapin siya.

        "May problema ka ba?" tanong ko sa kanya.

        "Huh? Wala ah, ewan naguguluhan lang ako, siguro gusto ko lang ng makakausap kahit sandali ang kaso sinusungitan mo naman ako." sagot ni Arwin na mahinahon ang tono, noon ko lang siya nakita ng ganoon kaseryoso kaya naman huminga ulit ako, "sige makikinig ako, basta siguraduhin mo na seryoso yan, kung hindi lagot ka talaga sa'kin." sabi ko at nakita ko siyang medyo napangiti.

        Medyo nagkatinginan pa kami sandali bago nag-umpisa na magsalita si Arwin, "pangako mo na hindi mo ikekwento kay John kung ano man ang mapag-usapan na 'tin." paninigurado ni Arwin.

        "Oo, pangako 'wag ka mag-alala hindi ako madaldal na tao." sagot ko naman.

        "Naninibago lang kasi ako kay John, recently parang pakiramdam ko iniiwasan niya ako o hindi siya komportable na kasama ako o nang kami lang ang magkasama, at madalas pa ikaw ang iniiwan para makasama ko." sabi n'ya.

        "Teka, kung ayaw mo ko kasama mas lalo naman ako." singit ko.

        "Teka lang hindi pa naman ako tapos, hindi 'yon ang ibig ko sabihin, nagre-react ka kasi agad eh patapusin mo muna kaya ako, akala ko ba makikinig ka?" dagdag n'ya kaya natahimik ulit ako at nakinig na lamang at siya namang pagpapatuloy ni Arwin.

        "Hindi sa ayaw kita makasama, oo siguro before ayaw kita makasama pero palagay na ko na makasama ka ngayon, pero ang problema  ko ay nagda-doubt na ako kay John, pakiramdam ko ayaw na niya sa'kin at ginagamit ka n'ya para inisin ako at para mapilitan ako na makipagtalo ako sa kanya at dumating kami sa punto na papipiliin ko siya kung ako ba o ikaw na bestfriend niya, na hinding hinndi ko naman magagawa." ang sabi ni Arwin.

Rain.BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon