Hindi ako nagsalita, tahimik lang na lumuha.

"Kasi, nak. Iyong mga ganyan, blessing 'yan. We are unique and that isn't imperfection! Patunay lang din na walang perpekto, pero may kakaiba." she joked. "'Tsaka tumaba rin ako nun, akala ko dahil malakas lang akong kumain dahil gusto kong maramdaman na malaki ang tiyan ko, kunwari may baby! And news shocking flash, I learned I was two months preggy! Can you believe that?"

Humikbi ako ng tahimik, ngumuso ako at pinigilan ang ilan pang hikbing kumawala habang nakikinig sa kanyang pagkukwento. Narinig ko ang ilang tunog ng kubyertos doon na tila may inaayos siya at ang kanyang mga hagikgik.

"May baby girl na pala ako, I wasn't aware kasi wala akong signs. Wala kahit cravings, kahit pagsusuka at hilo. Medyo malakas nga lang kumain, tapos, baby. Mas mabuti na mas maaga kang magpacheck up..."

I compressed my lips to calm my rocky voice. "B-Bakit po?"

Gusto ko lang talaga marinig ang boses ni Mommy ngayon, pero hindi ang usapan tungkol dito dahil nakakasakit din at mas lalong nakakalungkot. Mas lalo kong nararamdaman ngayon ang pait ng aking kalagayan. Buti pa iyong ex ni Minther ay nabigyan siya ng anak, pero ako? Ako na asawa ay hindi kaya iyon!

Fuck that.

She sighed tediously.

"Kasi mas delikado pala tayong magdala ng baby kaysa sa mga normal pregnancy. Nasabi naman ng therapist sayo, 'di ba? We couldn't bear child fully and very healthy, mahina ang kapit mo noon sakin dahil nga masyado akong naging kampante na hindi na talaga ako mabubuntis. Kaya salamat talaga sa dad mo at nahalata 'yong pagiging hyper at matakaw ko."

My eyes blinked, kumunot ang noo ko at wala sa sariling napahawak sa aking tiyan. I couldn't feel anything, so it can't be. Huminga ako ng malalim.

"Tumaba lang naman po ako dahil magulay si Minther magluto," my voice trembled.

He's the only reason why I'm getting fat! Masarap siyang magluto, lalo na mag-alaga. Mararamdaman ko ba ulit iyon ngayong mayroon na siyang ibang obligasyon at priority? Of course, it's his child!

Humagikgik siya at pabulong na nagsalita. "Makulay din ba 'yong ano niyo... I mean, ikaw ba, anak?"

Uminit ang batok at dibdib ko sa sobrang pagkagulat sa kanyang tanong. "Mom!"

Tumawa siya.

"Kasi, sa akin 'yon ang sign, okay? Don't be too embarrassed. May phase talaga na ganyan ang mga babae, kaya naitanong ko. I was so active back then, little did I know I was keeping so many seeds inside that got me pregnant."

"Mommy, too much information!" singhap ko.

Oh my gosh. My mom is very open! I am actually active, and so as Minther but I won't tell that information, nakakahiya iyon at hindi ko kayang ipamahagi lalo na sa aking mommy!

Mas lalo siyang tumawa. "I'm not kidding! Mas active ang may ganitong kalagayan, Cade, baby. Just answer me with honesty! I'm your mother! You should do that often! At least, four times a week! Or everyday! Mas mainam."

"I will just have this checked, Mom!" nag-iinit leeg kong sinabi habang napapasinghap sa kahihiyan sa sariling isip.

"Tsk, you are active! Hindi ako magkakamali! Sabihin mo na, anak. Para maturuan din kita ng mga pwedeng gawin kapag nagbubuntis!"

Suminghap ako at napailing, kahit naiiyak ako ay natatawa parin ako sa mga kabaliwan ni mommy ngayon. It somehow secours me.

"I am not pregnant, Mom. I can't feel anything. Mararamdaman ko naman kung mayroon." napapailing kong sinabi.

Isla Verde #5: All Sweet Nothings Where stories live. Discover now