Phase 17

83.3K 2.4K 564
                                    

Phase 17


My hands were trembling while holding my phone, paulit-ulit na binasa ang mensahe roon. I don't know how to react but my heart is aching in so much frustration and dysphoria.

It's him... I know.

Siya lang ang tumatawag sa akin ng ganito, siya lang. Naalala ko ang mga taon na siya ang aking kaibigan, siya lang ang aking nakikita at siya ang nagpapasaya sa akin.

He was the best boy for me. He was the best friend. He was the best person I had.

Bakit biglang balik? Bakit kung kailang ayos na ako? Bakit ngayon naman siya nagparamdam? I thought I forgot everything about him.

Just I thought...

Pati sakit ay sumariwa. Parang kahapon lang siya nawala, parang kahapon lang ako naiwang mag-isa. Parang kahapon lang kami magkasama at parang kahapon ko lang siya pinaubaya.

I was fine, so fine with Minther. Masaya akong kasama si Minther, lalo na at magkasundo kami pero bakit biglang may ganito? Bakit biglang may darating na hindi inaasahan?

Is this another heartbreak?

Ang mga araw na sumunod ay tila kaybagal ng takbo, kahit na magkasama kami ulit ni Minther nang mag weekends ay hindi ko makapa ang kasiyahan kapag kasama siya.

I'm pre-occupied by something... by someone. And I know who can do that to me without him knowing. I replied his text after three days, ngayon ko lang naisipan na sagutin ang kanyang mensahe. Hindi ko alam kung ano pa ang sasabihin sa una dahil masyado akong nag aalangan lalo pa at kasama ko lamang si Minther sa Isla Verde nitong linggo.

I was texting with Lavern, she kept on telling me about Clay. She added him on Facebook and they chatted, knowing that thrilled me... marami raw iyong naitanong tungkol sa akin at wala siyang kasiguruhan kung sila nga ba ni Yuria.

I'm bothered by it. Hindi ko malaman ang iba pang iisipin doon, all these time I thought they were together. Bakit base sa kwento ni Lavern ay hindi kailanman?

Lavern:

He told me they are together in Manila for work. Partner sila sa project.

Lavern:

Sa tingin mo ba ay sila talaga?

Kinagat ko ang labi habang nagtitipa ng reply.

Ako:

Hindi ko alam, Lav. Kung sila man o hindi, wala na dapat akong pakealam dahil kasal na ako. Hangga't maaari ay iniiwasan ko na ang makakuha pa ng impormasyon tungkol sa kanila. Tungkol sa nangyari, at na wala talagang naging sila. I just don't care anymore.

Bumuntong hininga ako.

Lavern:

Pero, Cade... he waited you! Kayo na ang kinasanayan ko noon, at malay mo ay may pag-asa na ngayon dahil may sinasabi na siya. He's not a playboy now and successful.

I sighed wearily. May mangyayari ba kung hindi na siya playboy? Past will remain past! Hindi na maibabalik kahit gaano pa gustuhin.

Ako:

Wala na ako roon, Lavern. I'm married now. I'll stay in my stand. Please, stop mentioning about him. Whatever happened between us will remain that way. I'm sorry.

My heart hurt. Iyon din ang kinasanayan ko, bata palang ako ay si Clay na ang nasa isip kong magiging kapareha ko sa aking paglaki.

Ngunit ang kasal ay nasira iyon. The arrangement ruined it very well. Iyong kay Yuria ay madaling sulusyonan pero ang kasal na para sa akin talaga tinakda ng pamilya ay mahirap labanan. Yuria was my best friend, too. Hindi ko sigurado kung natanggap niya bang ako talaga ang gusto ni Clay noon o hindi.

Isla Verde #5: All Sweet Nothings Where stories live. Discover now