Phase 11

85.6K 3.2K 1K
                                    

Phase 11



Camping went very well. Morning the next day,  we mountain hiked, doon nagpalipas ng buong maghapon. Umaga nang umalis kami mula sa falls, we brought our tents, own bags for supplies of extra clothes, foods and drinks until sunset.

Tuwing mapapagod ay humihinto at magpapahinga, hindi kataasan ang aming bundok na inaakyat pero ibang klase pala ang pagod sa pag-akyat. Muscle pain, body pain, thirst at marami pa akong na experience sa aktibidad na ito.

I feel lifeless when we reached the top. Agad akong humiga sa nailatag na blanket at pumikit. Kapwa kaming humihingal at pawisan, sila Theo ay hyper pa rin nang makaakyat. Kaming mga babae lang yata ang nahirapan at tila mamatay sa pagod nang makaakyat, samantalang ang mga lalaki ay normal na nag-uusap lang at parang walang inakyat na kabundukan.

Nagmulat ako, I smiled when I saw Alzhera and Reidjan taking pictures. Sa huli ay si Reidjan ang nagmistulang photographer nito, he looks enjoying while doing it.

Alzhera jumped and hugged him, they took a selfie together. Pansin kong mas ramdam namin nila Lavern, Ashley at Lexa ang pagod. Alzhera looked so hyper and still smiling even sweating, tiningnan niya ang camera. Reidjan sat on the rock and he gently pulled her waist, isang tuwalya ang kanyang ipinunas sa leeg nito at pisngi na nadungisan habang abala parin si Zhera sa pagtingin ng kanilang litrato.

"Seriously?" Lavern blurted, gasping. "Kapag single, mapapagod, kapag in a relationship, ganyan? Enjoy?"

Nagtawanan kami.

Naisip ko bigla ang isang tao, what if he joined us here? Mahirap talagang mag-isip ng what if's, medyo malungkot.

I took my phone out. I captured the foggy view and sent it to Minther. The clouds looked so fluffy and mesmerizing to stare at.

"Theo's there, Lavern." panunukso ni Reidjan habang abala sa paglalagay ng sapi sa likuran ni Alzhera na nasa camera lang ang tuon.

Napailing ako roon, he looks like a father of Zhera and a boyfriend. Well, he looks too good for a father but the way he take care of her. It is magical and unreal.

Umirap si Lavern.

"Stop pushing us, Reid!"

Nagtawanan sila.

"E, 'di si Lander na lang. Bagay na bagay, pangalan pa lang!" halakhak ni Brix. "LaLa couple!"

"Duh? Papatulan ba ni Lander?" Theo grinned evilly. "Lander's type is a girl with coke bottle body, long mermaid hair, fair skin and angel face. Lavern's opposite!"

Humagalpak sila ng tawa, napangisi ako at nilingon si Lavern na naka-indian sit sa isang blanket habang matalim ang tingin kay Theo.

"Magtigil ka, pangit!" sigaw niya sa iritasyon.

Lander chuckled.

"Why not? Lavern is gorgeous." anito.

Nakita ko ang napawing ngisi ni Theo, tumawa siya at nilingon si Lander.

"Weh? Malandi!"

"Naku! Nag-asaran pa, pare-parehas lang naman kayong magkakaibigan! You are all flirt, chic dicks!" Lexa rolled her eyes, uminom siya ng tubig.

"Ten and Matrix are the only anti-bitches ones, I think!" she added after drinking. "Reidjan, too! And the rest, wala nang matino sa inyong grupo!"

Nagtawanan kami. Malakas ang pagtawa ni Lavern, halatang nanunuya. I inhaled deeply and checked my phone. Sumimsim ako sa bote ng tubig.

Minther:

Isla Verde #5: All Sweet Nothings Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon