Phase 13

87.7K 2.9K 349
                                    

Phase 13

Naging mahaba ang aming gabi nang bumalik kila Alzhera, they are now complete set of friends. Naroon na ang dalawang bagong mukha, we were introduced to each other. Matrix Estrevillo and Xythen Saavedra from Manila.

Minther was just casual the whole time, hindi ko rin naman nakitaan ng bahagyang pagkailang ang nakilala kong si Matrix. He's too cold and stiff towards anyone, kahit sa kanyang mga kaibigan.

Hindi na ako magsasalita pa patungkol sa kanya, ang alam ko lang ay hindi lugi ang kung sino mang diyosa na makakarelasyon noon. Ang pinsan ni Minther ay lumalapit na sa kaperpektuhan para sa isang itsura ng babae, and her ex-boyfriend is beyond perfect, too.

I suddenly wondered why they broke up? Mabigat kaya na problema? O simple lamang at walang nakuntento ng matagal?

It is true, no matter how good looking you are. No matter how beyond perfect you are, everything is temporary. No one stays just because you're both perfect, heart dictates, not the eyes.

Swerte na lang kung manatili ang iyong puso sa ganoong tibok para sa isang tao. But how about if your special someone fell out? Hindi nga ikaw ang nagmahal ng iba, pero siya. Paano kung ganoon?

I sighed tediously.

"That's her ex, not sure, though. But I have seen them together on some family event."

Ngumuso ako at tumango. He sat behind me, kinukulong ako sa pagitan ng mga hita. Marahan niyang pinalupot sa akin ang tuwalyang puti.

This morning, we did swimming like the way we talked about last night. Maaga akong gumising dahil alas otso ang aming usapan, we see each other in the lobby. We had breakfast first on their hotel restaurant.

"Baka naman magkaibigan lang!" I chuckled.

"I think so, that man doesn't really seem to like my cousin. But whoever I would see with her, I assumed her boyfriend."

Kumunot ang noo ko.

"Kung ganoon, paano pala iyong ibang nababalita sa kanya? She's a celebrity, maraming nababalita. Hindi rin ako sang-ayon na wala siyang gusto sa pinsan mo, come on, napakaganda kaya nun!"

He chuckled on my ear, he wrapped his arms around my waist. Kumalas din agad upang tuyuin ng tuwalya ang aking buhok. I smiled and looked at the rising bright sun in front, ang maberdeng-asul na karagatan ay siyang liwanag dahil doon at tila nangingintab.

"Not really sure, siguro nga matalik na magkaibigan. I'll ask her about it."

Tumango na lamang ako at ngumisi, inabala ang sarili sa panunuod ng mga naliligong kabataan.

Some are enjoying building sand castle, kulay puti ang buhangin. Kung aapakan ay napakalambot at masarap sa pakiramdam, sa kaliwang bahagi makikita ang kabundukang tila malapit sa aming lugar.

Sa kanan naman ang mga gusaling matutuluyan, kung mamasyal pa sa ibang bahagi ay may mga tiangge at souvenir stores. Maybe we'd visit some stores later, ngayon lang din ako nagawi sa La Cerde kaya aayain ko sila mamaya upang makabili ng souvenirs.

"How about you?"

Kunot-noo akong sumulyap. He smirked.

"How many ex-boyfriends did you have?"

Suminghap ako at umiling agad.

"Wala, ah! Wala akong first boyfriend, hindi ako maaring magkaroon sa edad hanggang seventeen."

And I wish I had. Kung alam ko lang na rito na ako tutungo sa aking unang relasyon ay hindi na sana ako nagpatumpik-tumpik noon at sinubukan ang lahat.

Isla Verde #5: All Sweet Nothings Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon