Phase 12

93.2K 3K 765
                                    

Hello, sorry for some updates you cannot open now. I'm currently editing the remaining parts of this story. Thank you.



Phase 12




"Do you wanna have dinner here or somewhere?" he asked while watching me intently.

Sinuklay ko ang aking buhok gamit ang mga daliri, lumapit siya lalo. Ngumuso ako at huminga ng malalim.

"Saan mo ba gusto?"

He gently pulled my waist, kumalabog ang dibdib ko. Hinawakan niya ang kamay kong nagsusuklay at siya mismo ang nagsuklay doon gamit ang kanyang mga daliri. Halos mapapikit ako dahil sa pangheheleng pakiramdam noon. He caressed my cheek softly, his tender eyes sent shivers down my spine.

Suminghap ako at tinitigan lamang siya, hindi siya nakatingin sa aking mga mata. He was scanning every bit of my face while combing my hair, he smirked as he finally looked in my eyes.

I feel like drenching. My heart is immersing in too much delight I don't even know where came from. Tila gustong gusto lamang siyang nakikita rito ngayon na parang panaginip para sa akin.

"I want us alone... but it's you who decide," aniya.

Suminghap ako at nangiti nang hindi napigilan, nagkatinginan kami. His lips extruded in a playful way, dumausdos pababa ang kanyang kamay sa aking braso patungo sa kamay para pagsiklupin ang aming mga daliri. My heart is drubbing so fast and clear like unclouded sky.

"Pagtapos, lalabas tayo?" I asked, hinayaan siya sa ginagawa.

He looked so tired and exhausted, hindi ko alam pero mukhang noong magkatext pa lang kami ay nasa byahe na siya pa Isla Verde. It was hours of driving, malamang ay napagod siya.

His lips cockled. Napalunok ako at agad umagap sa kanyang sasabihin, mukhang alam ko na ang dapat gawin.

"Alright, let's eat here. Huwag na ring lumabas, mukhang pagod na pagod ka." I squeezed his hand slightly and smiled.

He gasped softly, hinila niya ang aking kamay. Nagulat ako nang binaon ang kanyang mukha sa aking leeg at doon mabigat na huminga para mamahinga. Nagtindigan ang balihibo ko sa batok.

"Very much, baby..." he whispered dully, napakislot ako sa bahagyang kiliti.

Ngumiti ako at humawak sa kanyang batok, marahan siyang hinaplos doon pababa sa kanyang malapad na likuran sa malambing na paghagod. Huminga siya nang malalim.

"Bakit kasi bumyahe ka agad pabalik? Hindi mo pa ata napasukan ang lahat ng klase." malamyos kong sinabi.

"I couldn't help it, I am missing you and I know..." he sighed tediously. "Manila boys..."

Missing me? Seryoso ba siya sa sinasabi? Oo, sinabi niya iyon sa text at hindi ko akalain na kaya niyang sabihin pa ng harapan ngayon. He's missing me... my heart is clamping in too much excitement.

Napasinghap ako. Umahon siya mula sa aking leeg at hinalikan ang aking pisngi biglaan. Pumikit ako ng mariin at suminghap muli.

"Tsansing!" puna ko. "What Manila boys are you talking about?"

Humalakhak siya at umiling lamang, muntikan na akong matulala dahil doon. Hindi ko maalala kung kailan ko nakitang ganito siya nang harapan, ang nanaig lang sa aking isip ay ang kanyang supladong mga kilos at tingin.

Ito ang matatawag kong biglaang saya. I never asked for this to happen ever, I was just dreaming for a happy life, I was just praying for that. Hindi ko naman inasahan na ganito kabilis ang dating noon. Sa sobrang bilis ay nakakabigla.

Isla Verde #5: All Sweet Nothings Where stories live. Discover now