Phase 38

92.2K 2.4K 690
                                    

Phase 38






Hindi na namin pinag-usapan ni Minther iyong nangyari, ayaw ko ng banggitin pa sa kanya ang mga iyon dahil alam kong hindi magandang ideya. I don't want to piss him off just because of the truth they told. Totoo naman, I cheated on him and yet he still accepted... still wanna marry me for real I never expected.

Hindi ko na iniisip pa ang bagay na iyon, mas ayos na ako na hindi kami nagkahiwalay ng tuluyan kahit na ako ang may kagustuhan noong una. I don't know what have gotten to me to think he wouldn't accept my condition. Maybe because I completely knew what he wanted, and that is a family. A big one. With us. With children that we'll be taking care of everyday, will bring to school, play with them... some things like that would become a perfect picture.

We'll be good parents for our kids... if only I could, I'm sure we have a family by now. Bakit kasi ako pa iyong may ganitong kalagayan? Bakit ako pa na gustong magkaroon ng anak? Bakit iyong iba na sinasayang ang kanilang anghel ay napagbibigyan pa?

I can't judge easily but it's just really unacceptable, how could they kill a blessing?

Kinabukasan noon ay hindi pinagbigyan ni Minther ang Lola niya sa gusto nitong pag-uusap, marahil ay hindi parin limot ni Minther ang init ng ulo sa nangyari. Hindi ko na rin siya pinilit tungkol doon, alam kong may sarili siyang desisyon na hindi kailangan pakialaman pa. He know what he's doing.

Ang mabilis na mga araw at linggo ay sumasabay sa ihip ng hangin, pagpapalit ng araw at buwan, kalangitang nagliliwanag patungo sa pagdidilim at paghampas ng alon sa karagatan ng Isla Verde.

Nakapangalumbaba ako habang pinagmamasdan ang mga turistang nadadaan mula sa labas ng cafe, some group of people are laughing while walking and taking pictures. Mukhang nasisiyahan sa La Verde, hindi na bago ang mga ganitong senaryo sa aking paningin dahil halos araw-araw ay may mga bagong mukha naman akong nakikita rito.

Karamihan pa sa kanila ay purong naka swimsuit lang kahit nagpapakalat-kalat sa buong resort, naalala ko iyong mga araw na libre pa kami nila Lavern at Alzhera na nagpapagala-gala sa mga beaches ng Isla Verde.

We used to do island hopping and swimming. Bukod pa roon iyong mga taon na wala si Alzhera sa Isla Verde, kami na nila Lavern ang magkakasama sa ganoong mga gawain, kasama sila Deshawn at Kienzo na ngayon ay abala na sa kanilang mga sariling buhay sa banda kaya hindi madalas ang pagpapakita sa amin.

Nangunot ang noo ko habang nakatingin sa labas. Lukot na lukot ang mukha ni Lavern habang padabog na naglalakad patungo sa cafe, she's wearing a red bikini top paired with her ripped denim shorts. Pumasok siya sa cafe, nakita ko agad ang pagsunod ni Theonoah na seryoso ang mukha. Magulo ang basa niyang buhok, his sun-kissed skin turned him more appealing.

"Laodia, that's not right!" he said in a frustrated tone as he pulled Lavern's elbow.

Nagkuwag ng kamay si Lavern at agad matalim na tiningnan si Theonoah, mayroon siyang nais iparating sa kanilang tinginan pero umiling si Theonoah at inigting ang panga. Nanatili ako sa aking pwesto na tila hindi nila napansin, this is not a new scenery but what's new to me was Theo's serious face.

Wala pang tao sa cafe ngayon dahil hindi ko pa ito binuksan, close parin ang nasa karatula ng glass door kaya walang pumapasok na customers. Wala rin naman yatang balak magbukas si Lavern dahil alam kong kanina pa siya nasa dagat para magswimming. Ilang staff lang ang naabutan ko rito na nagpaalam naman na may bibilhin lang kaya ako mag-isa ang naiwan.

"Hindi mo naiintindihan, tanga ka!" singhap ni Lavern. "That's an obvious lie!" aniya sabay turo sa labas kung saan sila galing.

"Hindi mo naman kinausap ng matino, paano mo malalaman kung nagsisinungaling nga? Dinadala mo kasi ang lahat sa init ng ulo." sambit ni Theo.

Isla Verde #5: All Sweet Nothings Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon