Phase 36

106K 2.8K 881
                                    

Phase 36


Days became white as the sand of Isla Verde, and I never thought white could be colorful as the rainbow after the heavy rain. Colorful in ways of the days have become so pure and gentle around us, sometimes white color is a mirror of purity and perfection because of its cleanliness whenever we look at it, but for my view it turned out so colorful because of the days I'm having with Minther. It was very colorful, it was pure blissfulness.

"Hi, love."

Napasimangot ako nang lingunin si Lavern na ginagaya ang pagtawag sa akin ni Minther, nasalubong agad ng mga mata ko ang kanyang porcelang kutis. She's wearing a pair of yellow polka-dots bikini, we're wearing the same bikini top. Ang kaibahan ay naka maong akong shorts at siya'y talagang nakapanty. Nakita kong tumatakbo na rin si Zhera patungo sa amin.

Nanatili ako sa dalampasigan at tinatamaan ng pag-alon ang mga paa kong halos lumulubog sa kalambutan ng buhangin ng La Cerde. Ngumuso ako sa kanilang dalawa at hinarap na ang karagatan.

"Sungit naman ni love."

"Shut up, Lavern! Si Kees ang tawagin mo ng ganyan!" tawa ko.

"O si Theo, mas okay!" batid kong nakairap na sambit ni Zhera nang makalapit.

Zhera is an ultimate shipper of Theo and Lavern! Tuwing nagkukwentuhan kami ay parati niyang binibida si Theo kay Lavern na panay naman ang kwento kay Kees, minsan ay napapailing nalang ako sa kanilang pagyayabangan sa ganoong bagay.

Parehas namang maayos si Theo at Kees para kay Lavern pero hindi ko makitaan ng effort si Theo, hindi ko alam kung may gusto nga ba talaga siya kay Lavern o talagang protective lang sa mga kaibigang babae.

He still have a girlfriend until now! Kung gusto niya si Lavern ay matagal na dapat niyang hiniwalayan iyon, 'di ba?

"Ay, si baby!" halakhak ni Lavern, ginaya naman ang tawagan nila Reijdan at Alzhera.

Kasama namin sila ngayon, kauuwi lang ni Reidjan last week at dito na raw niyaya ni Zhera na magbakasyon agad dahil namiss ang outing. Kasama nila ang mga kaibigan na abala sa cottage namin para magluto at mag-ihaw. Naging baliktad ang gawain at mga gumagawa ngayon, imbes na kaming mga babae iyon ay sila na ang nagpresinta. Ang iba naman ay abala na sa paggala sa isla.

"Asus, Lavern. Don't worry, endearment niyo na rin ni Theo 'yan pag naging kayo!" pang-aasar ni Alzhera. "That's their thing, lahat silang magkakaibigan ay puro ganyan ang tawag sa girlfriends nila."

"Oh, shut up, Zhera! I don't really like fuckroach! Huwag ka nang umasa sa ship mo, pwede ba?" natatawang sambit ni Lavern. "Kumbaga sa movie, iyan 'yung titanic! Gaano man ka strong ay lumulubog parin!"

Natawa ako.

Nagpunta silang dalawa sa harapan at nilubog na ang kanilang katawan sa tubig, humalakhak si Alzhera. She's wearing a black and white zebra bikini top and also a denim shorts for her bottom. Hindi siya pinayagan ni Reidjan kahit anong pilit kanina habang pababa kami ng hotel.

"Hay nako, Lavern. Huwag nga ako!" tawa ko rin.

"You two can shut up now! Shit, mamaya ay marinig pa kayo nun! Sa sobrang kayabangan niya ay baka akalain pang hindi ako magpapakasal kay Kees dahil sa kanya! Ew!" nandidiring sambit ni Lavern.

Nagtawanan kami. Alzhera shook her head, naupo na ako sa buhangin habang pinapanuod silang nakalublob ang katawan sa tubig. Alzhera is very fair like Lavern, pero mas mapula si Lavern ngayon dahil madalas siyang magswimming kahit mag-isa lang. She really loves swimming kahit malamig ay sige lang.

"E, baka 'yon naman kasi talaga ang dahilan?" tuya ni Zhera habang naniningkit ang mga mata.

Suminghap si Lavern. "Gosh, kailan niyo ba ako titigilan kay Theo? I don't even think we'll be fine one day! Ayos na ako kay Kees, nakakasundo at nakakasama ko pa nang wala kaming away!"

Isla Verde #5: All Sweet Nothings Where stories live. Discover now