Phase 14

89.8K 2.7K 177
                                    

Phase 14



"Whew! Thank you, Lord, we're safe!" maligayang sambit ni Lavern nang marating ang mansyon.

Dumiretso siya sa sofa at ipinikit ang kanyang mga mata nang ibagsak ang sarili roon, huminga ako ng malalim at sinundan ng tingin si Minther na kinakausap ngayon ang mga kasambahay para sa hapunan ng lahat.

"Upo po kayo..." inasakaso ni Cora ang mga bisita sa aming tanggapan.

Kanya-kanyang lagay ng baso at juice ang dalawang serbidora sa center table para sa kanila, dito iniwan ang lahat ng kanilang sasakyan kaya kailangang dumito talaga ang kanilang tuloy para sa gabing ito.

Cora smiled at me, ang mga bag ay kanyang itinabi para hindi maging sagabal sa tanggapan. Nagsiupuan sila Alzhera roon, Reidjan was talking with Ten and Matrix habang papasok ng tanggapan.

"Nakakapagod pero worth it!" si Lexa, kausap si Zhera at Ashley.

"Sobra! Ang ganda ng mga isla, sayang at may trauma ako sa black sand beach, hindi na tuloy tayo nakapunta..." Alzhera said, scowling.

Ngumiti ang dalawa. Hindi na namin iyon napuntahan dahil natatakot si Alzhera, dalawang isla ang aming nahintuan at hindi ako magsisisi roon dahil sa sobrang ganda. Iyon nga lang ay hindi na ako masyadong nakihalubilo sa sumunod.

Nawalan ako ng gana, kahit na mahapdi na ang balat ay naligo na lamang ako upang makaiwas lamang. Sumama na lang ako kay Lavern sa nagdaang mga oras namin sa isang isla. I enjoyed it though, I felt heaviness on my chest.

Hindi naman namilit si Minther sa akin at mukhang nag-aalala lamang pero hinayaan ako. Hindi ko na siya muling kinausap noon, hindi naman siya umalis sa aking tabi. We just did not talk, pakiramdaman lang kaya lalong mabigat ang mga nagdaang oras sa aming pagitan.

I'm thankful for that, ayaw ko lang talaga ng kausap muna. Lalo na kung may ganoong pangyayari, napahiya ako sa kanya. Hindi naman kasi dapat ako namimilit, hindi man ako namilit ay ganoon na rin ang kinalabasan.

I feel so clingy and possessive over him when in fact, I should not! That's the thing I really hate, we're not even in a relationship. We were just catching up together as wife and husband. Nothing more, nothing less. That's just it!

"Ayos lang, hindi naman kami nabitin sa iba. Vanishing Island is my most fave!" hagikgik ni Lexa.

Nang makitang ayos naman silang maiwan ay tumalikod na ako, nahuli ko agad ang tingin ni Minther sa akin. Huminga ako ng malalim, tipid ko siyang nginitian upang hindi magkailangan pagtapos ay dumiretso na paakyat ng hagdanan.

I want to take a cold shower for now, naiinis ako sa hindi malamang dahilan sanhi ng pag-init ng ulo ko. My heart hurt.

"Ako ang babalik sa'yo, hindi ikaw ang pupunta sakin..." Minther's voice suddenly echoed my mind.

Should I be happy and content? Bakit hindi ako makaramdam ng kakuntentuhan doon? I should be happy that he'll always come back here for me, kahit na alam kong nahihirapan at napapagod siya sa pabalik-balik.

But why can't I be content? Why can't I be happy with what he just said? Kung tutuusin ay masarap iyong pakinggan ngunit nawawalan ako ng gana.

Pagkatapos ng pagligo ay nagbihis na ako at bumaba, nakakahiya kung mauna pa akong magkulong sa silid dahil lang sa ayaw ako ni Minther sa Maynila o Laguna at pabayaan ang mga bisita rito.

"Hoy, nag-away kayo? Tampuhan?" bulong ni Lavern nang matapos kami sa hapunan.

I was helping the maids, nagliligpit ng mga pinagkainan. Dala ang mga baso ay tumungo ako sa kitchen. Akmang kukunin ng isang kasambahay iyon.

Isla Verde #5: All Sweet Nothings Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon