Phase 19

85.9K 2.4K 2.9K
                                    

Phase 19



Tipid na napangiti ako habang nakatitig sa pababang araw sa aking harapan. Kumurap-kurap ako at marahang binabaan ng tingin ang aking kamay. Ang gintong singsing na may kumikinang na diyamante sa sentro ay nanatili ang ganda roon, hinaplos ko iyon at muling napangiti.

Huminga ako ng malalim at nilabas ang cellphone, I dialled Lavern's number.

"Hey, Cade..." pagkasagot niya sa pang-anim na ring ng aking tawag.

I inhaled calmly. The sun in front is nearly drowning from the smokey clouds, tila humihingi ng tulong upang manatili pa kahit ilang sandali o minuto na maghari roon para panuorin ang mga kabundukang maiiwan ng kanyang liwanag oras na siya'y tuluyang mapalitan ng buwan.

"How was it?" I asked in a calm tone.

Hindi siya agad nakapagsalita sa aking katanungan, I sighed morosely and my shoulders fell.

"Is it s-still—"

"Yes, Cade. Your annulment paper is still being denied." she said in a tiny voice.

Suminghap ako at pumikit ng mariin.

"Bakit ba hindi parin niya pirmahan? I am so tired sending him those damn papers! I want to be free, Lavern." naiirita kong sambit, pinipilit ang kalmadong pakiramdam.

Damn it. I don't know how to convince him to sign the papers without these all drama! Ano pa bang kailangan kong gawin para sumang-ayon na lamang siya na mawalan ng saysay ang aming kasal sa papel? It was just in a fucking paper! Marriage is not real! Nasa papel lamang kaya anong importansya ng pagpapakasal namin at hindi niya nalang pirmahan nang matapos na?

"Cade, don't you think it would be better if you come back here and convince him personally? Napapagod na rin akong kumbinsihin siyang pumirma nang walang halong pagbabasag ng pader o telepono o mga baso, e. He's always at his usual beast mode." she said frustratedly.

Pumikit ako at huminga ng napakalalim.

"Hindi parin ba siya nakaka move on?" kagat labing tanong ko, pigil ang tumonong interes sa aking boses.

Bahaw na humalakhak siya.

"Oh yeah, Cadence Andrada-Legas—"

"We already broke up, Lavern!" singhap ko.

"Hell sure, girl... but you are still under his name! Tatlong taon na, hindi ba? Hindi mo maaalis na kanya ka parin dahil dala mo ang kanyang pangalan kahit saan ka magpunta. At akala mo ba wala siyang alam kung nasaan ka sa oras na ito?"

Lumukot ang noo ko, mabilis akong luminga sa aking paligid. Ramdam ko ang magkakahalong kaba sa oras na ito.

"S-Shit, don't tell me I'm still being watched?"

"That's for sure! Ngayon ka pa natakot? Tatlong taon ka nang wala at patuloy na nagpapadala ng annulment papers kay Minther!"

Suminghap siya at nagpatuloy sa pagsasalita.

"Minther Lyle Cojuangco Legaspi, Cadence. Nilayasan mo at gaganituhin? Nasaan ang logic mo? You should fight him face to face or you'll both end up frustrating each other! Magsawa ka naman sa ganyang galawan! Ilang taon na!"

Napasabunot ako sa aking buhok habang nakikinig at nag-iisip. Seriously?

"Iyon na nga, Lavern, e! Tatlong taon na pero pinahihirapan niya parin ako sa simpleng pagpirma ng mga papel? At pinasusundan niya parin ako, huh? Iyon ang hindi ko mapaniwalaan, I told him to stay away—"

"Saan? Sa text? Sa chat? Sa call?" tumawa siya. "Walang magagawa ang pagtatago mo kasi may nakasunod parin sayo kaya bakit hindi nalang ikaw ang personal na magsabi nang sa ganoon ay may magbago naman kahit papaano."

Isla Verde #5: All Sweet Nothings Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora