Phase 6

93.2K 3.5K 1K
                                    


Phase 6


Minther Legaspi:

Don't overwork, eat on time.

Napanguso ako nang mabasa ang text ni Minther.

Damn, it feels good to read his texts. Simula last week ay naging maayos na kami, maayos ang turing niya sa akin. Hindi katulad noong mga unang buwan sa amin na napaka harsh niyang magsalita.

I typed a reply.

Ako:

I will.

Napangiti ako.

Gusto ko sanang makipagtext lang muna sa kanya pero mukhang abala siya. He went out eight in the morning, pupunta raw siya sa opisina sa hotel and resorts nila sa La Cerde kaya malamang ay abala siya roon at ayaw ko naman maging istorbo.

Minther:

Good. By the way, I'll be home late. I told Cora to cook pakbet for your dinner.

Suminghap agad ako nang magreply siya at sa laman ng reply niya. Shit! I hate pakbet so much!

Ako:

I'm not eating it, Minther. I'll be having dinner with my cousins later.

Sumimangot ako at bumuntong hininga. Wala siyang alam sa mga gusto ko, I want to tell that I hate pakbet. Hindi talaga ako kumakain noon ever since!

"Hoy! Text ka ng text! Baka masunog ang bake mac!" halakhak ni Lavern. "Sino ba 'yan? Asawa mo na naman? Magsawa ka naman, uy!"

Uminit ang pisngi ko, sininghalan ko agad siya at hinampas sa braso. Nakita ko si Alzhera na ngingisi-ngisi sa akin, nakaupo siya sa lap ni Reid ngayon habang abala naman si Reid sa paglalaptop para sa kanyang project.

Umirap na lamang ako sa kanya. Humalakhak sila ni Lavern.

"Iba na yata 'yan, Areial Cadence, huh? Naku! Naku! Mukhang babaero pa naman iyong si Minther, mag iingat ka." panunuya ni Lavern.

"He's not!" giit ko. "He's cold and bad boy, but not a playboy. Kung playboy siya ay baka nagdala na siya ng mga babae noon pa man. Hindi naman seryoso ang aming kasal. For convenient only!"

Hindi naman talaga seryoso ang aming kasal, kung hindi lang kami pinagkasundo ng aming pamilya. But even so, I don't think Minther is a playboy. Oo alam kong basagulero siya at masama ang ugali, pero hindi naman siguro ako mamomroblema sa pambabae niya.

Isa pa kung, playboy man nga ay wala na akong pake roon. Hindi naman seryoso ang lahat, magagalit ako kung seryoso at may feelings. Syempre masakit iyon, pero hetong ganito lang ay bahala siya kung gagawa siya ng ganoon.

Pamilya na niya ang sasaway sa kanya, kung sakali.

Everyone knows he's married, we're married. Kung may makakakita sa kanyang nambababae sa ibang lugar ay malalaman nila iyon.

Malalaman ng pamilya ko at pamilya niya. Come on, Minther is the Legaspi's heir! Sikat siya, ang kanyang pamilya dahil may-ari ng malalaking hotel and resorts. Meron sa Laguna, karamihan ay dito sa Isla Verde. Hindi ko sure iyong iba.

After few minutes, my phone rang.

Panay ang kwentuhan nila Lavern tungkol sa kanilang mga ginawa ni Alzhera last week. Minsan nalang kasi si Alzhera dito dahil parating nasa Manila, ano pa nga ba? Sumusunod kay Reid! Ito namang si Reid ay nakasunod rin kung dito siya sa Isla Verde.

"Sun bathing tayo ulit!" sabi ni Lavern.

"No bikinis for Alzhera." biglang singit ni Reid.

Napangisi ako at sinagot ang tawag ni Minther habang nakatingin pa rin sa kanila. I heard Minther's talking with some girl over the line. My forehead creased.

Isla Verde #5: All Sweet Nothings Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon