Phase 5

95.9K 3.6K 1K
                                    

Phase 5

"Miss, bakit kaya hindi ninyo ituloy ang pag-aaral niyo para hindi kayo maburyo?"

Hinalo ko ang sabaw ng sinigang na niluluto ko, I just learned how to cook this last week. Housemaids taught me, kung minsan ay iba-iba ang nagtuturo sa akin sa bawat araw dahil ang iba'y may nakatokang gawin.

Huminga ako ng malalim.

"Hindi naman payag si Minther, he just want me to stay here and sulked." pabiro ko pa sa huling sinabi.

Which is true, ang sabi niya ay manatili lang ako at ayaw niyang mag-aral ako ulit dahil kaya naman niya akong buhayin habang buhay. Pero naisip ko na lahat naman ng tao ay mawawala sa mundo.

Paano kung ako ang unang mawala? Paano kung siya? Sino ang bubuhay sa akin kung wala akong alam na trabaho at walang tinapos? Maganda pa rin iyong may pinag-aralan at may tinapos.

I should talk to him again, hindi ko lang alam kung kaya ko ngayon? Mamaya o bukas? Nahihirapan pa rin akong makihalo sa presensya niya. Sobrang hirap at bigat sa pakiramdam.

"Ba't kaya ayaw ni Sir, Miss? Ano sa tingin mo? Syempre, Miss, maganda iyong tapos ka rin sa pag-aaral. Alam naman nating mayaman talaga ang kanilang pamilya at buhay reyna ka kung sakali pero mas maganda kung may tinapos rin dahil iyon ang patunay na meron kang nagawa."

She's on point! Hindi naman porke mayaman ang kanilang pamilya ay hindi ko na kailangan pang matuto sa ibang aspeto ng buhay. The world is unfair and we can get things fair by pursuing our dreams and have a goal in life.

I sighed and smiled at Cora.

"Hayaan mo na, Cora. I will talk to him again about that. I want to pursue everything for myself. Sana maintindihan niya ako..."

Kumilos na ako para ihain ang aming tanghalian sa hapagkainan, hindi lang sinigang ang naroon at meron pang ibang putahe na mas masarap. But at least I tried to help.

Nasabi ni Cora sa akin na paborito ni Minther ang sinigang kaya iyon ang pinag aralan kong lutuin sa isang linggo para maperpekto ang lasa kahit papaano. He likes sinigang with much vegetables.

Iyong mga nauna kong niluto ay hindi ko pa hinahain sa hapag dahil alam kong hindi ko pa kuha masyado ang pasok sa panlasa ni Minther. It's been two weeks since that swimming day.

Simula noon ay natatagpuan ko na lang ang sarili kong nagluluto para sa kanya, nagsasanay para sa amin. Wala rin naman akong magawa dito kaya ganoon ang ginagawa ko.

Si Minther ay umaalis sa umaga at bumabalik ng tanghali para mananghalian kasabay ko. Hindi ko nga alam kung bakit ganoon pa ang ginagawa niya kung pwede naman siyang kumain sa kanyang hotel and resort na inaasikaso sa La Verde.

Sa dalawang linggo na iyon bilang lang ang pananatili niya buong araw dito sa mansyon at pag ganoon ay rest day niya kaya tuwing kakain lang siya lumalabas ng kwarto.

I think I am used to his presence now, nakakasanay din pala ang ganoon since he was not that harsh on me now. Pinapansin niya naman ako kapag mag uusap kami sa tanghalian at tungkol sa kung ano ang pinagkakaabalahan ko lang ang tinatanong niya.

I hope he will let me continue my remaining years in college or at least let me work my cafe in La Verde para naman hindi ako mabaliw dito sa mansyon.

"Wow! You look like a perfect wife, Cadence."

Nagulat ako nang madinig ang boses ni Kurt, ngumiti ako sa kanya nang makita kong pinapasadahan niya ng tingin ang mga nasa lamesa.

"Did you cook these all?" he asked, amusement was evident.

Isla Verde #5: All Sweet Nothings Where stories live. Discover now