Phase 15

86.7K 2.7K 587
                                    

Phase 15



I woke up with swollen eyes, nakatulugan ko ang pag-iyak at dala na rin ng pagod sa kaiisip. Tanghalian nang kumatok si Cora sa akin upang sabihin na handa na ang pananghalian.

I opened the door, only to see Minther behind her. My heart leaped at the sight of him. Tumingin agad ako kay Cora, she smiled and bowed her head a bit pagtapos ay umalis na.

Umawang ang labi ko habang sinundan siya ng tingin na naglalakad na sa kahabaan ng pasilyo, napalunok ako at suminghap. Minther was holding a tray of food, standing in the front door of my room.

I'm not expecting anything like this, akala ko ay mawawalan na siya ng pasensya sa pagiging mahirap ko amuin gaya ng sinabi niya kaninang umaga.

I wasn't difficult because I hate him, I'm just guilty because of what I did. Hindi dapat ako nakaramdam ng inis dahil sa kanyang desisyon, and now he's doing effort just to please me!

Sumulyap ako sa kanya, hindi na ako nagsalita at bumalik na sa loob. I let the door open for him, talagang nag-abala pa siyang akyatan ako ng pagkain.

Hindi ko rin inasahan na narito pa rin siya dahil alam kong tutulak siyang pa Laguna ngayon, he stayed for days just because we did not talk after the outing. Inimbita rin ang mga magulang ko, I feel happy and rueful at the same time.

Nadinig ko ang paglapag niya ng tray sa bed table, huminga ako ng malalim at hinarap siya. Nanatili akong nakatayo, ganoon din siya ngayon habang mataman akong tinitingnan.

"You cried..." he averred sedately.

Napaiwas ako ng tingin, hindi ko naalala ang aking mga matang mugto dahil sa pag-iyak. Nakakahiya!

Nang hindi ako tumanggi o magsalita ay bumuntong hininga siya at lumapit, ang hirap pigilan ng emosyon kapag magkalapit kami. Para akong nalulunod parati sa tibok ng puso ko para sa kanyang simpleng presensya.

"I'm sorry..." he said delicately as he reached my cheek, he tenderly traced my puffy eyes with his thumb.

It's damn comforting.

I nodded a bit. "I-I'm sorry din..."

Kinagat ko ang labi ko at nagbaba ng tingin.

Tama lang na mag-sorry ako dahil hindi rin tama ang aking inasal. I shouldn't force things around us, wala siyang pinoproblema noong hindi kami kasal at nasa iisang bubong. Tama si Lavern, hindi ko dapat pilitin ang dapat na kusang mangyari. Kung gusto niya ay gagawin niya, kung ayaw ay hindi. Ganoon lamang ang mga bagay sa paligid.

Kung gusto niya ako sa Laguna, e, 'di sana ay noon pang nagkakaayos kami pero bakit hindi? Isa lang iyon, ayaw niya at hindi ako dapat magpumilit doon.

He inclined his head, our eyes met. Ngumuso ako at umiwas.

"Are we cool now? Am I forgiven?"

Bumaba ang kamay niya sa aking kamay, mas lalo akong napanguso at sinundan iyon ng tingin. I nodded gradually, he's forgiven. Wala naman talaga siyang kasalanan.

He exhaled wearily and hugged me tightly, namilog ang mga mata ko at napasinghap. My heart turned irrational. He kissed my temple and whispered.

"Thank you, baby..." he whispered nimbly.

Unconsciously, a small smile escaped.

As of now, I don't really know what this feeling is. My heart is getting wilder and overrun everytime he's around and I was lifeless when he's not. I feel too much severity with him.

Kung ano ang iritasyon ko sa kanya noong una ay walang tinira ngayon, I don't have any hate for him like we've met in a good way. Samantalang noon ay halos isumpa ko ang aming kasal. Halos ipanalangin ko araw-araw na maghiwalay kami dahil hindi ko kinakaya ang kanyang ugaling masama.

Isla Verde #5: All Sweet Nothings Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon