Phase 16

92.4K 2.6K 263
                                    

Phase 16




"Hindi naman, madali lang din iyan kung aaraw-arawin..." Cora said.

Ngumuso ako at tumango.

"Oo nga, heto na ang gagawin ko simula ngayong araw para matuto pa ako at makapagluto kung andito si Minther..."

Nagluluto ako ng umagahan para kay Minther, ngayon ang kanyang tungo pabalik ng Laguna. He was absent for a week, hindi na talaga siya pumasok at tila tinamad para sa linggong iyon.

Hahabulin daw niya ang niliban sa klase ngayong linggo pagbalik ng Laguna. His friends were calling him about their classes and asking about him. May mga kagrupo yata siya sa klase na kailangan siya ngunit dahil sa pagliban ay nagkaproblema, iyong iba ay nagtatanong pa kung bakit hindi siya pumapasok. Sinasagot niya lang naman iyon ng puro pabiro at walang ibang masabing dahilan.

Our week went very well for me, wala kaming ibang ginawa kundi ang lumabas para mamasyal at kumain bagay na hindi ko kinasanayan noon pero agad hinahanap-hanap miski hindi pa siya nakakaalis muli.

Wala lang, I just feel like doing those kind of things with him everytime. Iyong kaming dalawa lamang at walang ibang inaasahan. It actually helped me knowing him more and more, marami akong mga nakitang kakaiba sa kanya na hindi ko noon napagtutuonan.

"Magaling ka na, Miss. Hindi biro ang pagluluto para sa mga baguhang gaya mo." pamumuri ni Cora.

Ngumiti ako at nagpatuloy sa hinahalong ulam, hininaan ko ang kalan nang kumulo na iyon. I nodded at her, nakangiti siya habang nakatunghay sa akin.

Cora is very supportive, sa umaga kapag naiisipan kong magluto ay siya ang kasama ko sa kusina. She was guiding me everytime I get confused, hindi ko gamay ang mga lutuin at pagluluto. Ngayon lamang ako natuto ng ibang putahe bukod sa sinigang na paulit-ulit at nakakahiya na kay Minther na parang pinupurga ko siya roon.

He did not mind, though.

Sobrang ayos, sobrang saya ko sa dumaang araw na magkasama lamang kami. Hindi rin siya pumupunta ng opisina, kung pumupunta man ay sa tanghali at babalik din agad para magkasabay pa rin kami sa pagkain.

Mahirap isipin na sa araw na ito ang kanyang alis ulit, nakakalungkot. Hindi naman ako pwedeng magsabi ng aking nararamdaman, pag-aaral ang importante. Malungkot man ako ay hindi naman noon pwedeng pigilan ang pagpasok sa eskwela.

Nailipat ko ang nilutong ulam sa babasaging mangkok, habang ginagawa iyon ay naramdaman ko ang pagpulupot ng mga braso ni Minther mula sa aking likuran. He gave three quick kisses on my cheek. My heart leaped in surprise.

"Good morning, beautiful..." he whispered raspily on my ear.

Nakita ko ang pagkaaligaga ni Cora, hiyang-hiya sa natutunghayan. Mabilis siyang nagpaalam at umalis ng kusina, nakayuko ang ulo at namumula.

Uminit ang aking pisngi.

"Minther!" suminghap ako.

He chuckled and glanced at Cora walking out of the kitchen. "She'll get used to it, don't worry..."

Huminga ako ng malalim at napairap sa hangin. Bakit kasi kailangan pang ganoon ang ibungad, nahiya tuloy si Cora. Mula sa aking balikat ay dinungaw niya ang niluto ko, he sniffed on my hair.

"Aga mong maligo," he sneered. "I want your just woke up smell..."

Hindi mapigilang mangiti, I rolled my eyes. Hinila niya ang kaliwang braso ko para maiharap sa kanya, tumukod agad siya sa counter table para maikulong ako sa mga bisig niya. My heart is beating erratically.

Isla Verde #5: All Sweet Nothings Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon