Phase 4

92.9K 2.9K 609
                                    


Phase 4

I woke up when I felt a hand on my cheek, slightly slapping to wake me up. Nagmulat ako at nadatnan ko si Cora, she smiled as she saw me open my eyes.

"Magandang umaga, Miss Cadence."

Nalingunan ko ang nakabukas na kurtina ng malawak na bintana, nasilaw ako sa sikat ng batang araw roon. Batid kong nasa alas otso pa lamang ng umaga. Mabigat man ang ulo ay umahon na ako mula sa kama.

"Magandang umaga, Cora." I greeted.

Nakakahiya dahil ginising pa talaga ako, ngayon lang ito nangyari dahil kusa akong gumigising ng umaga sa ilang buwan ko rito.

My head hurt while adjusting from the light. Mukhang hindi dapat napaparami ang inom ko ng alak, hindi pala ako sanay sa mga ganoong inumin at pakiramdam ko'y may amnesia ako.

Tumango siya at ngumiti.

"Kumusta ang iyong pakiramdam?"

"Uh. Maayos naman," iwas kong sagot.

Dumiretso ako sa banyo pero nanatiling nakasilip kay Cora roon. Inayos niya ang aking kama at niligpit ang mga kalat na sandals sa lapag.

She's my maiden for the past months, ganyan lang parati ang nakikita kong ginagawa niya at minsan naiisip ko kung hindi ba siya nahihirapan?

In our house, I don't have one. Meron lang isang maid roon na nag aasikaso pero hindi katulad nito na parating nakasunod at animo'y prinsesa akong mababasag.

"Mabuti kung ganoon. Alas otso y media ay kailangan mo ng bumaba para makasbay sa umagahan ni Sir Minther."

"Huh? Andito na siya?" taka kong tanong habang hinuhubad ang aking spaghetti strap.

Madalas ay hindi ko sinasara ang pintuan ng banyo kapag narito si Cora para makapag-usap kami at magkarinigan pa rin, nang mahubad ang saplot ay binuksan ko ang cold shower para mahimasmasan at maging maayos ang pakiramdam.

So ganito pala ang epekto ng alak? I wonder why they are addicted, hindi pala maganda sa pakiramdam kapag kinabukasan. Iyong lasang alak pa rin ang laway kahit ilang ulit ng magsipilyo o mag mouthwash.

Plus, the headache and body pain I don't even know where I got. Have I involved in a fight?

And now, I'm doomed. Minther is here...

"Oo, Miss, kagabi pa lang ng alas nuwebe ay nakauwi na siya at hinanap ka. Hindi mo ba matandaan ang nangyari kagabi?" nadinigan ko iyon ng panunukso.

Napahinto ako sa pagkuskos sa aking buhok na may shampoo, huminga ako ng malalim at kumunot ang noo.

"What happened? Hindi ko alam na uuwi siya ng ganoong oras at napasarap kasi ang kwentuhan namin ng mga pinsan ko. Napagalitan ba kayo dahil wala ako?" mahinahon kong tanong.

I can't remember what happened clearly but I guess Lavern took care of me and sent me home last night. Plus, Alzhera was there and they probably brought me here kaya maayos akong nakauwi.

Nakakahiya kung napagalitan sila Cora ng dahil sa akin na naman, hindi ko na kayang maatim ang ganoon kaya lang ay hindi ko naman inasahan na makakauwi si Minther kagabi. I thought he'd be home today.

Damn, akala ko ngayon lang siya nakauwi. Kagabi pa pala? Shit. I'm really doomed, paniguradong makakatanggap na naman ako ng insulto mula sa kanya.

Nadinig ko ang mahinang halakhak ni Cora.

"Panay ang yakap mo kay Sir Minther at ayaw mong palabasin ng silid. Mukhang nalasing ka ng husto, Miss."

Isla Verde #5: All Sweet Nothings Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon