Phase 8

95.3K 3.2K 351
                                    

Phase 8

My stomach flutter as Minther leaned closer, halos madikit ang aking ilong sa kanyang pisngi nang kinuha niya ang panibagong shot sa lamesang nasa harapan. Langhap ko ang pinaghalong amoy ng whiskey at chewing gum. His thighs were apart, sinasakop ang buong sofa na tila ito ang teritoryo.

"Hindi pa ako nakakapunta sa La Cerde, puro hotel and resorts ang naroon?" Alzhera asked. 

"Yeah, somehow. Puro gusali na ang bandang iyon ng Isla Verde." sagot ni Lavern.

"Maraming resort doon ang mga Legaspi." Kienzo said, smirking at Minther.

Nagtinginan sila Alzhera sa gawi namin. Ngumisi lang ako. Lahat yata ng negosyo roon ay sa mga Legaspi, mayroon din sila sa Laguna na hawak naman ng ama niya.

Minther downed his shot and nodded a bit.

"We can set an outing if you want."

Ngumuso ako, bumalik ang kamay ni Minther sa aking hita at hinagilap ang aking kamay. I let him do that, it gives me a comforting feeling everytime he does that. Iyon nga lang ay hindi maiwasan ang kabahan. Sumandal siya sa back rest at tumingin kila Zhera. Tuwa ang reaksyon ni Zhera.

"Talaga? Mas magaganda ba ang tanawin kesa rito sa La Verde?"

Tumawa sila Kienzo.

"Of course, Zhera. La Verde is the simplest place in Isla Verde. La Cerde has the view of the mountains near, La Santa has the falls and forests to camp..." imporma niya na tila minomodelo ang lugar.

La Verde ang pinaka simpleng beach sa Isla Verde kung tutuusin pero ito ang pinupuntahan dahil mas malapit at mayroong libre, hindi katulad sa ibang beach katulad ng La Cerde na talagang pinaganda na ngayon at tinayuan ng friendly buildings. Madalas roon ang mga artista o ang event, madalas malaki ang kinikita ng kung sinong may negosyo roon.

La Santa naman ang puntahin ng mahilig mag exoplore, maraming kagubatan at maaakyat na bundok kung gugustuhing mag mountain hiking o kaya naman ay camping. Doon makikita ang karamihan ng falls, walang bayad at libre lamang na mapupuntahan kahit na kailan.

"Talaga? So we can set anytime? I want to go swimming and camping, too. Habang bakasyon ni Reidjan,"

Ang alam ko ay malapit ng makatapos ng Law si Reidjan, so he's probably practicing now? Bakit parang hindi naman siya abala at nakakapag bakasyon pa ngayon ng ilang linggo?

"Wow! I thought he was practicing now? Mayroon palang bakasyon ang gaya niya?" si Lavern, kumurot ng laman sa baboy at kinain iyon.

"I took a leave." Reidjan said.

"Uncle niya kasi ang may-ari ng firm." umirap si Alzhera. Ngumisi si Reidjan.

Oh! That's why... kaya naman pala. Hindi na nakakataka. Besides, Reidjan is just a student. Marami pa siyang oras para roon at ngayon ay pwede muna siyang mamuhay ng normal. God, everybody know how hard to be a Lawyer.

Marami pang pagdaraanang mga bagay bago sumabak agad sa isang kaso. A Lawyer must have the guts and brain to win their case, hindi ka aabot sa paglaya kung ang Lawyer mo ay walang alam at baguhan sa larangan.

As for Reidjan, I know he's brainy. Dean's lister din sa unibersidad sa Maynila. Nawala lang iyon noong mga araw na lumiliban siya para mapuntahan si Alzhera sa Isla Verde. Nakwento ni Alzhera sa amin iyon kaya nagpasya na rin siyang bumalik ng Maynila at doon magpatuloy.

Lavern nodded, amused.

"Whoah, that's great. He always have time for you."

Alzhera blanched. "I wanted to come here alone, girls week dapat. Kaso nag-inarte siya kaya wala akong magawa."

Isla Verde #5: All Sweet Nothings Where stories live. Discover now