Phase 37

93.9K 2.5K 588
                                    

Phase 37





My chest is killing me every beat of my heart inside. Suminghap ako at pinagsiklop ang aking mga daliri, bumaba na si Minther mula sa driver's seat pinanuod ko siya sa labas na naglalakad na paikot sa aking pintuan. Medyo lumukot pa ang noo niya habang tinitingnan ang sasakyan sa unahan ng aming sasakyan, saglit lang iyon na tila kinikilala iyon.

Umiling siya bago binuksan na ang aking pinto, hindi ako makagalaw sa aking kinauupuan. His grin suddenly changed into a small understanding smile while looking at me, I guess nervousness really invaded my expression. Suminghap ako at napanguso.

"Love..." he grumbled lowly while smiling, he held my hand on my lap.

Huminga ako ng malalim. "Love, kinakabahan ako."

His eyes widened slightly, pumilig ang kanyang ulo habang titig na titig sa akin. His lips separated like he's kind of shock.

"Oh, shit. Wish you're always nervous," he cackled. "I want to hear that fucking call."

Nangunot ang noo ko nang hugutin niya ang cellphone sa bulsa niya at may tinipa roon, nagtaas siya ng kilay habang ngumingisi at nagtitipa.

"Ano 'yan?" tanong ko sabay dungaw sa ginagawa niya, nasa kalendaryo iyon kaya lalo akong nagtaka.

"Just making this date a holiday for me." he babbled.

Nahulog ang panga ko, I looked at him in disbelief.

"Huh? Holiday, what?"

Anong holiday? This date? Bakit? Kasi ngayon lang ulit kami magkakaharap ng pamilya niya ng kumpleto? Wow, didn't expect he's this keeper of special days, mm.

He smirked, muli niyang binulsa ang kanyang cellphone at binigyan ako ng halik sa noo at pisngi. Hinaplos niya ang buhok ko at ngumiti, he even winked at me.

"Basta, po." halakhak niya sabay patak naman ng gigil na halik sa aking labi. "Let's go in, or I'll drive all the way home for us to be alone again. Choose." pananakot niya.

Hindi naman ako natatakot, mas gugustuhin ko pa nga iyon kesa ang makaharap ulit sa pamilya niya pagtapos ng ilang taon na ang tingin nila sa akin ay nanloko talaga. I can't blame them for that, it was all my fault and misktake. I fooled Minther, people around me and of course, myself. Niloko ko lang ang sarili ko sa ilang taon na hindi ko matanggap ang sitwasyon na kinabibilangan ko.

I bit my bottom lip and licked it nervously. Huminga ako ng malalim, he chortled and pulled me out of his car. Niyakap niya ako gamit ang isang braso bago sinara na ang pinto ng sasakyan sa aking likuran, I felt his hand cupped my butt tightly. Suminghap ako at hinampas siya.

"Manyakis ka na talaga, ano!" napapailing kong sambit.

He laughed and shifted his hand on my curves now, doon na siya nanatili ng hawak sa akin.

"Yuh, nahawa ako sa asawa ko." he said while chortling.

Umirap ako at natawa habang nagpapahila na sa kanya patungong mansyon. Hindi ko alam kung ano ang iisipin para lang pawalain ang kabang ito, kahit na anong pang-aaliw ni Minther sa akin habang naglalakad kami ay hindi ako makakuha ng motibasyon na humarap ng maayos sa pamilya niya ngayon.

Maswerte pa nga ako dahil kahit kailan ay hindi ko nabalitaang nagkagulo ang pagitan ng aming pamilya dahil sa aking kagagawan, minsan ay naririnig ko pa rin kay Lavern na nagkakasama sila Lola at ang Lola ni Minther kung saan na tila hindi nakita ang ginawa kong panloloko sa apo niya.

Doon lamang ako nagpapasalamat sa lahat ng nangyari, maybe Lola Evangeline is just really understanding that's why. Hindi niya rin ako kinompronta, except Minther's mom who called me after she learned the news. She threw me some clammy words but I couldn't remember now because I didn't really mind it that time I was stressing myself for my own dilemma.

Isla Verde #5: All Sweet Nothings Where stories live. Discover now